68 baril, isinuko sa pangangalaga ng Abra PNP

Feb 4, 2019

LUNGSOD NG BAGUIO – May kabuuang 68 baril ang ipinasa sa pangangalaga ng mga awtoridad sa Abra sa buwan ng Enero ayon sa isang opisyal ng police.
Sinabi ni Chief Supt. Rolando Nana, director ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR), na tumanggap ang Abra police ng 42 baril mula sa mga registered gun owners kaugnay ng panahon ng halalan habang 26 ang isinukong loose firearms.
“This is a manifestation that the people in Abra wants a change on how other people perceive the province especially during elections,” ani Nana.
Minomonitor ng police at military ang mga insidente sa Abra sa panahon ng eleksiyon dahil sa kasaysayan ng karahasan sa politika.
Sa naunang panayam ay sinabi ni Nana na ina-assess nila ang sitwasyon sa Abra at idedeklara nila ang probinsiya na sasailalim sa kontrol ng Commission on Elections kung kinakailangan.
Sinabi ni Nana na upang maiwasan ang karahasan na may kaugnayan sa halalan sa probinsiya ay muling ikinokonsidera ng Philippine NationalPolice ang konsepto ng Conflict Mediation Diffusion (CMD) strategy na unang ipinatupad noong 2010 elections.
Ang CMD na nilikha at ipinatupad ni dating regional director Chief Supt. Benjamin Magalong ay nagdala sa kauna-unahang walang naitalang ulat ng political killing sa Abra makalipas ang ilang dekada.
Sa CMD, ang mga kandidato o mga partido ay mailalabas at maiihinga ang personal gayundin ang mga isyung pulitikal laban sa kanilang katunggali sa isang pagpupulong.
“This strategy was proven successful in the past elections so we are looking on launching this again,” pahayag ni Nana.
Samantala, noong Enero 29 ay isinuko ni Tineg Vice Mayor Edwin Crisologo para sa safekeeping ang isang garand rifle, isang M16, carbine rifle, isang homemade 12 gauge shotgun at isang caliber 38 revolver kay Nana na bumisita sa probinsiya para sa inspeksiyon ng mga baril.
Personal na iniabot ni Crisologo sa regional director ng Cordillera PNP.
Ayon kay Nana, ang boluntaryong pagsuko ng mga loose firearms ay resulta ng kampanya ng PROCOR para sa peacekeeping programs, lalong-lalo na ngayong panahon ng halalan.
Ayon kay Crisologo, ginawa niya ito para ipakita sa pulisya ang kanyang suporta sa isinusulong na katahimikan, malinis at mapayapang eleksyon na darating. Hinikayat din nito ang kanyang mga kasamahan sa pulitika na makiisa sa pamahalaan, para na rin sa ikakaunlad ng lalawigan.
L.AGOOT,Z.COMANDA/ PMCJ/ABN

RELATED POSTS

TECHIE TAHO VENDOR

TECHIE TAHO VENDOR

"QR Lang po sa umaga”-Baguio City is the first local government unit to adoptthe program co-developed by the Bangko Sentral ng Pilipinas...

FREE DEWORMING AND VITAMINS

FREE DEWORMING AND VITAMINS

was given to horses at Wright Park and Camp John Hay last September 27 and 29, 2022 as part of our Animal Diseases Prevention and Control...

INSPECTION AND MONITORING

INSPECTION AND MONITORING

Acting City Mayor- Faustino A. Olowan inspects recently City Camp Lagoon ,Lower Rock Quarry September 26,2022 caused by Typhoon Karding...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest