7 akusado sa pagdukot at pagpatay, kulong ng 40 taon

Jan 10, 2019

LUNGSOD NG BAGUIO – Makalipas ang 14 taon, nakamit ng pamilya ang hustisya sa pagdukot at pagpatay sa Filipino – Chinese businessman na si Senly Loy, matapos hatulan ng 40 taon na pagkabilanggo ( reclusion perpetua) ang pitong akusado, kabilang ang mastermind, sa sala ni Judge Maria Ligaya V. Itliong Rivera, ng Branch 60,Regional Trial Court, Baguio City.
Sa 29 pahinang desisyon ng nasabing korte na ipinalabas noong Disyembre 21, sentensyado ng reclusion perpertua without eligibility for parole sa kasong kidnapping for ransom with homicide ang mga suspek na sina Paul Sumbad, Reymond Dulaycan, Gastrol Sarol, Jason Ling-lingan, Roger Agtulao, Cromwell Filog at Danny Palapag.
Iniutos din ng korte sa mga akusado na magbayad sa mga pamilya ng biktima ng P800,680 bilang actual damages; P70,000 bilang civil indemnity; at
P200,000 bilang moral damages.
Si Loy ay kinidnap noong gabi ng Marso 18,2004 sa Dizon Subdivision, Baguio City at makalipas ang halos dalawang buwan noong Mayo 17,2004 ay natagpuan ng National Anti-Kidnapping Task Force operatives ang kanyang bangkay na natatabunan ng bato at sunog na gulong ng sasakyan sa
may Barangay Abiang, Atok, Benguet.
Napag-alaman na makalipas ang 41 araw nang kidnapin ang biktima, ang pamilya ng biktima ay nagbigay ng P500,000 sa mga kidnapper, mula sa P10 milyon ransom na sinasabing buhay ang negosyante habang isinasagawa ang negosasyon.
Dalawa pang akusado na sina Eddie Bagni at Jefferson Ab-aboy, ang hindi napabilang sa hatol na habambuhay, dahil sa kanilang pag-amin sa kanilang partisipasyon sa krimen at nag-silbing state witnesses. Ang kanilang mga testimonya ang naging basehan ng korte na maisulong ang kaso laban sa mga akusado.
Sina Bagni at Ab-aboy, na empleyado ni Sumbad ang sinasabing nag-plano para kidnapin ang biktima at sunugin ito.
Hindi rin kinatigan ng korte ang mga alibi ng mga suspek sa naganap na karumal-dumal na krimen, na sinasabing busy sila sa negosyo at ang iba ay wala sa lungsod nang maganap ang insidente.
Lumitaw sa medico-legal report na si Loy ay namatay sanhi ng intra-cranial bleeding secondary to traumatic injuries na tinamo nito, matapos iuntog ang kanyang ulo sa doorframe ng kanyang sasakyan nang manlaban ito sa mga kidnaper.
ZALDY COMANDA/ABN

RELATED POSTS

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro)...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest