Pag-atake ng NPA sa Kalinga, kinondena ng Cordillera police chief

Jan 10, 2019

LUNGSOD NG BAGUIO – Maigting ang naging pagkondena ng director ng Police Regional Office Cordillera sa ginawang paglusob ng mga itinuturing
na Communist New people’s army Terrorists (CNTs) sa isang active auxiliary patrol base ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa Uma, Lubuagan, Kalinga.
“PROCor condemns to the highest degree the treacherous harassment and burning perpetrated by CNTs to the CAA Patrol base in Agagama, Uma, Lubuagan, Kalinga, early dawn of December 23, 2018. The CNT’s have been sowing fear and civil disturbance for the last 50 years,” ayon sa pahayag
na inilabas ni Regional Director PCSupt. Rolando Z. Nana noong Disyembre 24.
Aniya, ang NPA ay naglunsad ng mga pag-atake sa mga tropa ng gobyerno sa Region 5, 10 at ngayon naman ay sa Cordillera, maliban pa sa
pamamaslang ng mga naglilingkod sa gobyerno at mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at kapulisan na nagsisilbi at nagpoprotekta sa komunidad.
“They have shown their true color by violating the ceasefire they themselves declared. This is a manifestation that the Communist NPA Terrorists(CNTs) are not sincere in pursuing peace,” dagdag ni Nana.
Ang PROCor ay magsisikap na makatulong sa paghahanap ng hustisya para sa pagkamatay nina Sgt. Elon Bayang, ang CAA Cadre, at pagkakasugat ng tatlo pa.
“Their acts of gallantry, even to the extent of giving up their lives to defend their base, inspire us more,” ani Nana.
Inihayag nito na maging sa bahagi ng NPA ay may naibuwis ding buhay, “lifeless body of Commander/Squad Leader Roy Tongdo a.k.a Rex from Balbalan, Kalinga, was left behind by those whom he believed that would fight side by side with him to death. Indeed the CNT’s are just after their communistic goal at the expense of their breathren.”
Hinimok ni Nana ang lahat ng Cordilleran upang tumulong sa pagsugpo sa terorismong inihahasik ng CNTs sa pamamagitan ng pag-uulat sa kanila at hindi pagsuportsa sa anumang aktibidad nila.
Kaugnay nito, ang detachment commander ng CAFGU na si Bayang ay napaslang matapos ang tinatayang 15 minutong pakikipagbarilan sa mga miyembro ng NPA noong Disyembre 23 sa Barangay Uma, Lubuagan, Kalinga.
Ayon kay Supt. Pelita Tacio, information officer ng PROCor, humigit-kumulang 30 rebeldeng NPA ang lumusob sa naturang CAFGU patrol base dakong ika-4 ng madaling araw.
“The government troops defended the base but were overpowered and the base commander was killed,” ani Tacio.
Samantala, ayon sa impormasyon, kinuha ng tribal members ng Lower Uma ang kustodiya sa katawan ni Bayang bilang bahagi ng kanilang tradisyon. Ang naturang tribo ay may peace pact sa tribo ni Bayang.
Ang katawan naman ng nasawing miyembro ng NPA ay inilagak pansamantala sa barangay hall ng Western Uma.
Ang mga nasugatang CAFGU members na kinilalang sina Bal-iwang Gacayon, Julio Codiam, at Benedict Lingayo ay pawang dinala sa Kalinga Provincial Hospital.
Dagdag ni Tacio, ninakaw ng mga NPA ang ilang armas ng tropa ng gobyerno bago tuluyang tumakas.
“Ongoing po ang hot pursuit operation natin and we will not stop until we make them [NPA] responsible for the death of the base commander,” pahayag naman ni Maj. Jefferson Somera, chief ng Fifth Infantry Division (5ID) Public Affairs Office (DPAO), sa pamamagitan ng hiwalay na panayam sa telepono.
Sinabi ni Somera na inilahad ni 5ID commander Maj. Gen. Perfecto Rimando na ang pag-atake ng NPA ay nagpapakita lamang na ang pansamantalang kapayapaan o tigil-putukan na ipinahayag ng rebeldeng grupo ay walang katapatan.
“They are celebrating their 50th anniversary by sowing terror in the community and causing disturbance, which is really a bad way of celebrating,” ani Somera.
Dagdag pa nito na ang AFP ay naka-full alert at iniutos sa lahat ng detachments na maging mapagmatyag ngunit ang CAFGU patrol base sa Lubuagan, Kalinga ay sadya lamang na nalupig ng mga umatakeng NPA.
“Lumaban ang mga tropa natin but unfortunately, they were overpowered. The base commander sacrificed his life to defend the base,” panaghoy ni Somera.
May ulat sina L.AGOOT, D.DENNIS JR., at J.MAGUIYA/PNA/ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest