Inspeksiyon sa mga sinehan sa Baguio isinagawa ng OMB

Nagsagawa ang Optical Media Board (OMB) ng inspeksiyon sa mga sinehan sa lungsod bilang bahagi ng mga aktibidad ng Cinema Monitoring
Enforcement para sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
“Since we have already established our satellite office here in Baguio city, we decided to include Baguio in our annual cinema monitoring activity
during the Metro Manila Film Festival,” ani Atty. Victor Padilla II sa isang panayam sa telepono.
Ang inspeksiyon sa mga sinehan sa lungsod ng Baguio ay layong paigtingin ang kampanya ng OMB laban sa “piracy” sa mga pinagmumulan
nito, proteksiyunan ang mga lokal na gawang pelikula laban sa mga ilegal na pagkopya habang ipinapalabas sa mga sinehan sa buong bansa.
Binigyang-diin ni Padilla na ang “cinema cam-cording” ay laging naging ugat ng piracy at sa pagbisita ng mga ahente ng OMB sa mga sinehan ay
nahahadlangan ang mga illegal na gawaing ito.
“It prevents the ‘pirates’ from even trying. This is our proactive way of fighting piracy,” dagdag niya.
Ang Republic Act (RA) 10088 o ang “Anti-Camcording Act of 2010” ay ipinagbabawal at pinagmumulta ang hindi awtorisadong paggamit, pag-
aari at kontrol sa audiovisual recording devices para sa hindi awtorisadong recording ng cinematographic films at iba pang audio-visual works at o
kanilang soundtrack sa isang exhibition facility, at nagbibigay ng mga multa at sa iba pang kaukulan.
Ang simpleng gawain na pagkuha ng “selfie” habang  nanonood ay nangangahulugan ng isang paglabag sa batas.
“A person who will be found guilty of violating the provisions shall be subject to a fine P50,000 but not exceeding P750,000 and imprisonment of six months to six years,” ani Padilla.
Ng tinanong kung gaano kalaganap ang cam-cording ay sinabi ni Padilla na “there were several instances already that our agents or volunteers have asked cinema goers to stop recording the featured movie.”
Nagsimula ang aktibidad ng MMFF 2018 Cinema Monitoring Enforcement noong Disyembre 25 sa unang araw ng pagpapalabas ng mga opisyal na kalahok sa MMFF at magpapatuloy hanggang Enero 7, 2019.
Sinabi pa ni Padilla na sa Baguio pa lamang ay may 25 volunteer agents ang nagsasagawa ng cinema inspection sa unang araw ng pagpapalabas ng mga pelikula. Ayon pa sa kaniya ay nasa kabuuang 672 volunteers sa buong bansa: Metro Manila -147; Davao- 120; at sa Cebu-110.
May kabuuang 29 malls sa Metro Manila ang namonitor na mula sa umpisa ng pagpapalabas ng mga pelikula sa MMFF.
PNA/ABN

Amianan Balita Ngayon