7 FEMALE COP, PINARANGALAN SA PAGTATAPOS NG NATIONAL WOMEN’S MONTH CELEBRATION SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet

Pitong kababaihang pulis mula sa iba’t ibang lalawigan ang pinarangalan sa kanilang bukod tangi- –ng accomplishment sa ginanap na pagtatapos ng National Women’s Month celebration ng Police Regional Office Cordillera sa Cmp Bado Dangwa , L a Trinidad, Benguet, noong Marso 27. Si Civil Service Commission Regional Director Nerissa Canguilan, na nagsilbing guest of honor and speaker, kasama si Brig.Gen.David Peredo,Jr. regional director, ang namahagi ng mga parangal.

Ang Medalya ng Kagalingan (PNP Medal of Merit) ang iginawad kay Capt. Celina Pinading, ng Pinukpuk Municipal Police Station (MPS), Kalinga Police Provincial Office para sa kanyang mga kontribusyon na naging dahilan ng matagumpay na pag-aresto sa isang indibidwal na nakalista
bilang No. 7 Most Wanted Person sa Regional Level sa Pinukpuk, Kalinga. Parehong parangal ang
ibinigay din kay Cpt. Gemma Lumayyung, ng Luna MPS, Apayao PPO para sa matagumpay na pag-aresto sa isang indibidwal na nakalista bilang No. 3 MWP sa Provincial Level para sa krimen ng Panggagahasa sa Luna, Apayao.

Binigyan din ng katulad na parangal si Capt.Aida Esteban,ng Sabangan MPS, Mountain Province PPO para sa matagumpay na pag-aresto sa isang indibidwal na nakalista bilang No. 1 MWP sa Provincial Level sa Cubao, Quezon City. Isang Medalya ng Kasanayan (PNP Efficiency Medal) ang iginawad kay NonUniform Personnel Susana Molitas, ng Regional Personnel and Records Management Division (RPRMD) para sa kanyang napakahalagang serbisyo na ibinigay sa matagumpay na pagsasagawa ng Memorandum of Agreement (MOA) signing kasama ang Baguio- Benguet Psychological Services and Consultancy Center sa Camp Major Bado, Dangwa, La
Trinidad, Benguet noong Enero 9, 2023.

Ang parehong parangal ay ibinigay kay Cpl Marichu Wallace ng RPRMD para sa kanyang napakahalagang serbisyo na ginawa sa matagumpay na pagsasagawa ng MOA signing sa Philippine
Statistics Authority (PSA) noong Oktubre 10, 2022 sa Camp Major Bado, Dangwa, La Trinidad,
Benguet. Isang katulad na parangal ang ibinigay kay NUP Josie Mayangao, ng Regional Plans and Strategy Management Division (RPSMD) para sa matagumpay na seminar/ workshop sa Annual Operational Plans and Budget at ISO 9001- 2015 Quality Management System Cascading at lecture sa UPER parameters sa iba’t ibang Mga PPO/CPO ng PROCOR mula Marso 6 hanggang 14, 2023.

Dagdag pa, iginawad ang Medalya ng Ugnayang Pampulisya (PNP Relations Medal) kay MSg Norie Pis-oy, ng Benguet Police Provincial Office (PPO) para sa pamamahagi ng food packs at school supplies sa 60 Grade 6 students ng Bahong Elementary School at nagsagawa ng lecture tungkol sa Anti -Child Abuse and Rape Awareness Campaign sa Bahong, La Trinidad, Benguet noong
Disyembre 12, 2022.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon