7 national highways pampasigla ng produksiyon sa Hilagang Luzon

PUDTOL, APAYAO– Nasa pitong provincial roads sa Hilagang Luzon ang ginawang national highways upang pasiglahin ang produksiyon sa lugar, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang conversion project ay napaloob sa isang department order na nilagdaan ni DPWH Secretary Roger Mercado at askop ang iba’t-ibang kalsada sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Cagayan Region. Ipinasakamay ni Mercado ang kautusan kay Apayao Congressman Elias C. Bulut Jr. noong Martes, Hunyo 21.
“With the recent promulgation, the people of Apayao can look forward to improved accessibility and reduced travel time, leading to enhanced productivity in the province,” ani Bulut sa isang pahayag.
Ang mga na-convert na mga lokal na kalsada ay ang Piddig-Carasi (Ilocos Norte)-Calanasan-Langnao-Kabugao road, Kalinga-Apayao road na nagdudugtong sa Balbalan, Pinukpuk, Kalinga at bayan ng Conner sa Apayao, Santa Maria-Upper Atok-Aurora road, Sanchez Mira (Cagayan-Kittag-Cadaclan-Eva Garden (Apayao) road, Kabugao (Apayao)-Tineg, Abra-Nueva Era, Ilocos Norte road, Cagayan-Apayao road
(Buluan, Mawegui-Allangigan-Rizal road), at Paddaoan- Talifugo-Marag road.
Sa isang pahayag ay sonabi nig DPWH na ang conversion ng mga lokal na kalsada sa national highways ay “magpapasigla ng pag-unlad sa ekonomiya at mga opportunidad sa pamayanang panlalawigan.”
Bilang resulta ng conversion na ito, ang pambansang gonyerno sa pamamagitan ng DPWH ay kukunin ang responsibilidad para pagmamantini ng mga kalsada.
Sa sementado at maayos na pagmamantini sa kalsada, ang komersiyo at pagnenegosyo ay mapapaganda, ayon sa DPWH.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon