CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Patay ang isang Australyano sa loob ng kaniyang inuupahang bahay bandang
7:45pm ng Oktubre 15, 2018 sa Bliss, Brgy. Katipunan, Sinait, Ilocos Sur.
Kinilala ni PSInsp Edmund S. Artates, chief of police ng Sinait Police Station, ang biktimang si Reginald Rene
Hodgens, 70 anyos.
Sa inisyal na imbestigasyong isinagawa, nasa gate ang biktima ng inuupahang bahay na pag-aari ni Razek Igarta
nang bigla itong barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek o mga suspek.
Itinakbo ang biktima sa Ilocos Sur District Hospital sa Brgy. Curtin, Sinait, Ilocos Sur subalit idineklarang dead on
arrival (DOA) ng kaniyang attending physician habang ang suspek o mga suspek ay nakatakas sa di pa malamang
direksiyon. Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang fired cartridge at isang deformed bullet.
Ang mga kalapit na istasyon ng pulis ay inalerto upang magsagawa ng dragnet operations para sa posibleng
pagkakaaresto ng mga suspek.
Inatasan ni PSSupt Herminio S. Tadeo Jr, PRO1 officer-in-charge, ang pagsasagawa ng masinsininang imbestigasyon at palakasin ang police operations sa rehiyon upang malutas agad ang pagpatay kay Hodgens.
Iniutos din niya sa Sinait Police Station chief of police na mag-extract ng CCTV footages malapit sa pinangyarihan ng
krimen at imaximize ang lahat ng resources upang makita ang ibang ebidensiyang maaaring makapagturo sa pagkakakilanlan ng mga suspek. PRO1 PIO
October 21, 2018
October 21, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025