70% DISKWENTO SA SCHOOL SUPPLIES HANDOG NG DTI-PANGASINAN CARAVAN

MALASIQUI, Pangasinan

Kasama ang ilang mga Negosyo, ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Pangasinan ay nag-alok ng hanggang 70 porsiyentong diskwento sa mga school supplies hanggang sa unang linggo ng Agosto nayong taon sa pamamagitan ng taunang “Back-to-School” Diskwento Caravan. Sa isang panayam noong Huwebes, sinabi ni Guillermo Avelino Jr., DTI-Pangasinan consumer and protection division officer-in-charge na ang mga kalahok na mga tindahan ay ang Unitop Dagupan City, Magic Mall Urdaneta City, Magic Mall-San Carlos City, Magic Mall-Tayug, CSI The City Mall-Dagupan City, SM City-Rosales, CB Mall-Urdaneta, at SM City Urdaneta Central.

Inilabas din ng DTI ang “Gabay sa Pamimili ng School Supplies for School Year 2024 2025” para sa suggested retail
price list ng mga school supplies. Sa taong ito, ang mga presyo ng notebook ay mula PhP11.80 hanggang PhP52,
Grade 1-4 pad paper mula PhP9.50 hanggang PhP61, at intermediate pad paper ay nasa pagitan ng PhP13.80 at PhP48.75. Ang mga presyo ng lapis at ballpoint pens ay mula PhP3 hanggang PhP33 at PhP11 hanggang PhP33, ayon sa pagkakasunod. Ang mga sharpener at ruler ay nasa PhP15 hanggang PhP69 at PhP16 hanggang PhP29, ayon sa pagkakasunod, habang ang mga eraser ay may presyong nasa pagitan ng PhP4.50 hanggang PhP20.

“We urged consumers to check the labels of school supplies for the name and address of the manufacturer or importer and the number of leaves in notebooks and papers, among others. They may also check the copy of ‘Gabay sa Pamimili ng School Supply School Year 2024 2025’ on our Facebook page as their guide,” ani Avelino. Sinabi ni Hazel Ann De Guzman, isang ina may isang anak sa Dagupan City na binilhan niya ang kaniyang anak ng mga school supplies sa CSI The City Mall dahil ito ang pinakamalapit sa kanilang bahay at masaya dahil nakakuha siya ng mga diskwento. “Lagi akong pumupunta sa tindahan na may mataas na diskwento upang kahit paano ay makatipid, kahit maliit lang anag halaga, na maaari ko nang pamasahe,” niya. Magbubukas ang mga klase para sa school year 2024-2025 na naitakda sa Hulyo 29, 2024.

(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon