71 DRUG USER NAGTAPOS SA REHAB PROGRAM NG BJMP SA BAGUIO

BAGUIO CITY

May kabuuang 71 Persons Deprive of Liberty (PDL) na pawang sangkot sa kasong illegal drugs ang nakapagtapos ng kanilang rehabilitation and wellness program sa ilalim ng programang Katatagan,Kalusugan at Damayan ng Komunidad (KKDK) ng Baguio City Jail- Male Dorm sa taong 2022. Sa pagtatapos ng 4th quarter ng taon, 17 of the 43 completers of the BJMP’s drug rehabilitation program have been released back to the community, making their rehab more meaningful.

Sa simpleng graduation program na ginanap sa Baguio City Jail noong Disyembre 14, ang mga completers ay tumanggap ng certificate bilang katibayan sa kanilang pagbabagong-buhay laban sa
iligal na droga. “This is a jail based rerahabilitation program ng BJMP in partnership with Out-
Patient Drug Treatment and Rehabilitation Center ng Baguio General Hospital and Medical Center at isinabay na din natin ang awarding sa naganap na Inter-Agency Sportsfest, na ang mga kalahok
ay ang ating mga inmates para sa kanilang wellness program na nahinto dahil sa pandemya,”pahayag ni Jail Supt. Mary Ann Tresmanio.

Ayon kay Tresmanio, tuloy-tuloy ang programang ito hanggang may mga kaso ng illegal drugs sa loob ng city jail. “Ang expectations natin sa programang ito ay matulungan ang ating mga drug dependent na makapagbagong buhay at hindi na babalik sa kulungan.” Nabatid sa kasalukuyan
ay may kabuuang 415 inmates sa male dorm at 234 dito o’ 55 percent ay may mga kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon