LA TRINIDAD, Benguet
Pitongput isang katao na pawang wanted sa batas ang nadakip sa magkakahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa iba’t ibang lalawigan sa Cordillera, noong Enero 12 hanggang 19. Sa loob ng isang linggong operasyon, naitala ng Baguio City Police Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na 24 wanted persons, sinundan ng Benguet Police Provincial Office na may 20 arestado. Ifugao at Kalinga PPO na may tig-pitong arestado; Apayao PPO na may anim na arestado; Mountain Province PPO na may limang naaresto, at Abra PPO na may dalawang naaresto.
Sa 71 na nahuling indibidwal, 17 ang kinilala bilang Most Wanted Persons: pito sa Regional Level, pito sa Provincial Level, at tatlo sa Municipal Level. Bukod dito, bilang resulta ng pagtaas ng presensya ng pulisya, 53 munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon at limang istasyon ng pulisya sa Baguio City ang naging mapayapa sa panahong ito, dahil wala silang naitala na insidente ng krimen. Sa partikular, zero crime incident ang naiulat sa 21 munisipalidad sa Abra, sampung munisipalidad sa Mountain Province, siyam na munisipalidad sa Ifugao, pitong munisipalidad sa Benguet, apat na munisipalidad sa Apayao, at dalawang munisipalidad sa Kalinga, habang sa Baguio City, Police Station (PS) 1, PS2, PS4, PS6, at PS8 ay nagtala rin ng zero crime incident.
Zaldy Comanda/ABN
January 26, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025