72 WANTED SA BATAS, NASAKOTE SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet

Muling nakahuli ang pulisya ng 72 indibidual na wanted sa batas matapos ang masusing manhunt operation sa iba;t ibang lalawigan sa Cordillera noong Agosto 11 hanggang 17. Sa ulat na isinumite kay Brig.Gen. David Peredo,Jr., regional director, nanguna ang Baguio City Police Office sa may pinakamaraming nahuli na 24, na sinundan ng Benguet Police Provincial Office na may 22 arestado, Abra PPO na may 10 arestado, Ifugao PPO at Kalinga PPO na may tig-anim na arestado, at Apayao PPO at Mountain Province PPO na may tig-dalawang arestado.

Sa mga nahuli, 15 indibidwal ang ikinategorya bilang Top Most Wanted Persons (TMWP). 10 ang nakalista bilang TMWPs sa Provincial Level, tatlo sa Regional Level, at dalawa sa Municipal Level. Itinampok din ng kampanya ang pagiging epektibo ng PRO CAR sa pag-iwas sa krimen, na walang insidente ng krimen na naiulat sa 66 na munisipalidad sa rehiyon, na kinabibilangan ng 25 munisipalidad sa Abra, 10 munisipalidad bawat isa sa Benguet at Ifugao, siyam na munisipalidad sa Mountain Province, pitong munisipalidad sa Apayao, at limang munisipalidad sa Kalinga. Bukod dito, iniulat din ng Police Station (PS) 3, PS4, PS7, PS8, PS9, at PS10 ng Baguio CPO ang zero crime incidents sa 10 police stations sa lungsod.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon