CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Pinaghahanap pa rin ang dalawang mastermind habang naaresto naman ang walong tauhan ng mga ito dahil sa isang organized investment scam sa ilalim ng C&G Dry Goods Company na matatagpuan sa Brgy. Camantiles, Urdaneta City.
Ayon kay Police Chief Superintendent Romulo E. Sapitula, ang nasabing grupo ng organized investment scam ay nagre-recruit sa pamamagitan ng electronic modes (Facebook at Urdaneta Buy and Sell) sa paghihikayat ng mga target investors sa pamamagitan ng alok sa kanilang malaking interest kada linggo kung sila’y mag-iinvest ng pera sa kumpanya nang walang gagawing kahit anong physical service. Ang mga scammers diumano’y nangangako ng ang capital na idineposit ng mga investors ay “risk-free” at agad ibabalik matapos ang pito hanggang 10 araw.
Matapos mamonitor ang aktibong transaksiyon sa online noong Hulyo 24, 2018, agad nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya kung saan naaresto ang walong tauhan ng nasabing organized investment scam at kinilalang sina Hannah Christina E. Marquez, Mhay Ann V. Lanuza, Aurelia N. Marquez, Kristine Coleen Ada Martin, Haydie Marie E. Ramos, Janice E Dalusong, Richelle B. Pangilinan at Camille Cyre Dela Cruz, lahat ay pawang nasa legal na edad.
“Based on the investigation conducted, the mastermind of said organized investment scam were identified as Renato Gabiola, a former municipal Councilor of Sta. Barbara, Pangasinan and his live-in partner, Sharmaine Junio Castillo aka ‘Shamee’ of Bayambang, Pangasinan. Both masterminds are at large and nowhere to be found,’’ dagdag ni Sapitula.
Pinaalalahanan din niya ang publikong maging mapagmatyag sa pakikipagtransaksiyon sa ganitong uri ng investments at maging maingat upang hindi malinlang.
Kinilala rin si Cheyenne Pearl G. Nelvis aka “Chin-Chin” ng La Union bilang empleyado ng mga masterminds na nakatakas at hindi pa malaman kung saan nagtago.
Ayon kay PSupt. Mary Crystal Peralta, PRO1 spokesperson, ang magkakahiwalay na kaso ng Estafa ay ipinila na laban sa mga naarestong suspek. Subalit, sa ginanap na inquest proceeding na isinagawa ni Asst. City Prosecutor Marco L. Bernardo, na ang nasabing kaso ay sasailalim sa regular preliminary investigation.
Patuloy ang paggalugad ng Police Regional Office 1 upang mahanap ang lahat ng sangkot na tauhan sa nasabing organized investment scam at upang wakasan ang mga aktibidades ng nasabing grupo.
August 7, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025