3 turista, nagpupunta sa bayan ng Kalinga upang bumili ng marijuana

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagpupunta ang mga turista sa Tinglayan hindi dahil sa traditional tattoo artist na si “Apo Whang-od” at hindi rin dahil sa maganda at payapang mountain adventure.
Hindi sa unang pagkakataon, nahuli ang tatlong turista mula Quezon City sa halos P1.2 milyong halaga ng marijuana noong weekend.
Nang buksan ang trunk ng sasakyan ng tatlong suspek, nakita ang marijuana stalks na nakabalot sa transparent packing tape na may bigat na 10,120 gramo.
Noong nakaraang linggo, apat na young professionals ang naaresto rin ng anti-narcotics agents sa Bontoc, Mt. Province sa pagdadala ng 24 bricks ng dried marijuana leaves at apat na tubular form ng dried marijuana leaves na may bigat ng 26 kilos at nagkakahalaga ng P850,000.
Ang apat ay nanggaling din sa Tinglayan.
Marami na ring diumano’y mga bisita at turista ng Tinglayan ang nahuli sa iba’t ibang okasyon sa nakalipas dahil sa pagtatakas ng dried marijuana leaves na naka-bricks o cylinders. A.ALEGRE

Amianan Balita Ngayon