8 commercial rice outlets, binuksan ng NFA sa Pangasinan

LINGAYEN, PANGASINAN – Nagbukas ng walong Bigas Tulong sa Bayan outlets ang National Food Authority (NFA) sa pakikipagtulungan ng Grains Retailers Confederation of the Philippines (GRECON) sa probinsiya upang mag-supply sa merkado ng alternatibong abot-kayang commercial rice.
Sinabi ni Lita Catabay, NFA Western Pangasinan senior enforcement and inspection officer, na ang pagsulong ay sinimulan ng ahensiya habang naghihintay sa pagdating ng mga imported rice sa bansa sa katapusan ng buwan.
Ayon pa kay Catabay sa ginanap na Kapisanan ng mga Brodkasters sa Pilipinas-Pangasinan chapter forum, na ang commercial rice ay ibebenta ng P39 bawat kilo sa mga outlet ng Alaminos City, Sual, Lingayen, Dagupan City, Mangaldan, Calasiao, Bayambang at Mangatarem.
Aniya, ang mga mamimili ay pinapayagang bumili ng maximum na tatlo hanggang limang kilo bawat tao kada araw depende sa demand sa nasabing lugar.
Dagdag pa niya na mayroong stocks ng bigas sa warehouses ng NFA Western Pangasinan at ang presyo ng mga commercial rice ay umaabot ng P38 hanggang P40 para sa wholesale at P40 hanggang P44 sa mga well-milled rice.
Subalit, ani Catabay, mayroong sapat na supply ng commercial rice sa palengke ng Western Pangasinan, kung kaya walang dapat ikabahala ang publiko.
“A total of 271, 594 bags of commercial rice stocks and 709,778 household rice stocks that are good for 75 days,” ani Catabay.
“Our concern is in times of calamity, wherein we cannot provide relief goods to be distributed by government agencies if there will still be no stock in the NFA, so we hope there would be no calamities while we are waiting.” H.AUSTRIA, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon