LA TRINIDAD, BENGUET – Tuluyang naaresto ang walong hinihinalang miyembro ng Bagni Group sa sunod-sunod na operasyon sa paglabag ng loose firearm ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) sa bisa ng search warrant.
Naaresto ng pinagsamang tauhan ng Tuba MPS, CIDG RFU-CAR, at ng Benguet PMFC ang mga suspek na kinilalang sina Reymund Barbero Bagni, Gordon Jackson Walis, Gilbert Balacdey Loreto, Shobert Sumalnap Ubuagan, lahat ay nasa legal age at mga residente ng Naguilian, Sallapadan, Abra; Eljhon Ubuagan Sumalnao, Florencio Ayao Beronilla, Dearly Langgi Beronilla, at Jerome Berona Guerrero, lahat ay nasa legal age at tubong Sallapadan, Abra. Nadakip silang lahat sa Sitio Barakbak, Brgy. Ansagan, Tuba, Benguet umaga ng September 25, 2018.
Si Raymund Bagni ang pinuno ng grupo at hinihinalang miyembro ng NPA na sumuko noong panahon ng rehimeng Marcos habang ang ibang mga miyembro ay hinihinalang miyembro ng CPLA. Ang kanilang grupo ay sangkot sa gun running at land grabbing activities kung saan ang ilan ay ginagamit ng ilang mga prominenteng personalidad sa kanilang masamang gawain.
Ibinaba ni Judge Danilo P. Camacho, Vice Executive Judge ng RTC, La Trinidad, Benguet, ang Search Warrant, at nakumpiska ang 3 shotgun, 2 cal. .22 rifle; 1 M16 rifle; 5 magazine ng M16 rifle; 4 magazine assembly ng Cal.22; 3 live ammos ng 12 gauge shotgun; at 38 live ammunition ng M16.
Bukod dito, sa 28 iba’t ibang armas na nasamsam, 26 na armas ang isinuko ng concerned community, 6 na armas ang nakumpiska, habang dalawa ay naitala para sa pag-iingat.
Ito ay isa sa mga ibinibilang na tagumpay at itinuturing bilang napakalaking resulta ng kampanya ng PROCOR laban sa loose firearms at paglansag ng mga organized group. Iniimbestigahan din ng mga otoridad ang grupo upang makakuha ng iba pang impormasyon n
October 1, 2018
October 1, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025