CAMP JUAN VILLAMOR, Abra – Sa patuloy na “Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan towards National Recovery,” 82 dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang binigyan ng livelihood assistance mula sa pamahalaan sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program na ginanap sa Camp Colonel Juan Villamor, Bangued, Abra.
Ang simpleng seremonya ay isinagawa ng Abra Police Provincial Office, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) na dinaluhan nina PROCOR Col. John Chua, Deputy Regional Director for Operations; Col. Elmer Ragay, Chief of Regional Intelligence Division; Col. Christopher Acop, Abra PPO Provincial Director; Nathaniel V Lacambra, DOLE- CAR Regional Director at Christopher Tugadi, Head of DOLE- Abra Field Office.
Ang nasabing livelihood assistance na ipinagkaloob sa 82 miyembro ng Militia ng Bayan na nagbalik-loob sa pamahalaan para sa kanilang pasimulang pagbabagongbuhay ay kinabibilangan ng 56 hogs, 4 boxes of poultry farm chicks, four goats at 18 sari-sari store packages na may kabuuang halagang P1,739,947.00.
Bukod dito, ang “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers” o’ TUPAD checks na may halagang P5,560,800.00 ay ibinigay sa LGU-Bangued, Abra at sa accredited partner agencies na DOLE na siyang pamamahalaga para ibahagi sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.
Labis na binati at pinasalamatan ni Chua, ang mga dating rebelde na ngayon ay katuwang na ng pamahalaan para kapayapaan ng bansa. Hinikayat din nito ang iba pang rebelde na magbalik-loob para makamit ang programang ELCAC na nakatuon sa pagtulong sa mga rebelde para sa pagbabagongbuhay.
Zaldy Comanda/ABN
November 14, 2021
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025