ITOGON, Benguet
Isang 84- anyos na lalaki ang na-trap habang nasusunog ang kanyang bahay sa sa Sitio Bay-o, Barangay Tuding, Itogon, Benguet, madaling araw ng Disyembre 26. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Itogon, ang biktima ay nakilalang si Felino Balalong Sr., 84, habang ang kanyang asawa na si Romana Balalong, 64, ay nagtamo ng first-degree burn at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital. Ayon sa BFP, nakatanggap sila ng tawag bandang alas 2:00
ng madaling araw kaugnay sa isang nasusunog na bahay sa lugar.
Dahil sa medyo may kalayuan ang nasusunog na bahay ay natupok ng apoy nang datnan ito ng mga nag-respondeng mga rescuers. Napag-alaman sa kanilang imbestigasyon na ang biktima ay nagluluto gamit ang kanyang electric stove, subalit nag short circuit ito dulot ng overloading, na naging sanhi ng biglaang pagkalat ng apoy. Nagawang mailabas ng biktima ang asawa, pero siya ay bumalik sa nasusunog na bahay para kunin ang mahalagang
bagay, subalit siya ay na-trap. Ang nasabing one-storey house ay gawa sa magagaan na materyales, kaya’t mabilis
kumalat ang apoy.
Zaldy Comanda/ABN
December 28, 2024
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025