Abra IPMRs nagbuklod sa pagpapanatili, proteksiyon ng kultura,lupa at tao

BANGUED, Abra – Sa iisang layunin na pagsilbihan ang kanilang katutubong tirahan, lahat ng Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMR) mula sa Tigguian communities ng probinsiya ay nagsama-sama para sa IPMRs’ summit.
Inorganisa ng National Commission for Indigenous Peoples provincial office sa pangunguna ni Genesis Quiblado bilang pagtatapos na aktibidad ng National IP Month itong Oktubre na amy temang “Vital Wisdoms: Learning with the Indigenous Peoples,” pinag-usapan ng IPMRs ang kanilang adbokasya at plano sa kanilang mga lugar.
Tinalakay ng IPMRs ang kanilang mga plano sa pagpapanatili ng mayamang pamana, kultura at tradisyon. Ang Tigguian na inang tribu ng Abra ay bunubuo ng 11 subtribes na, Adasen, Binongan, Belwang, Muyadan, Mabaca, Inlaod, Maeng, Masadiit, Balatoc, Gobang at Banao.
Bawat tribu ay may sariling mga paniniwala at ritwal maliit lamang na pagkakaiba sa kapuwa Tigguians. Nangako silang pangungunahan ang IPs sa pagsulong ng kanilang mga katutubong sayaw, rituwal,at awitin lalo na sa panahon ng mga pista.
Sa pamamagitan ng School of Living Tradition and Center for Culture and the Arts, ay siniguro ng IPMRs ang kanilang inter-generation responsibility upang mapasigla ang preserbasyon ng kanilang kultura at tradisyon.
Maliban sa pagpapanatili ng kultura ay tinalakay din ng grupo ang kapayapaan at kaunlaran. Ang upland areas ng probinsiya, ang mga komunidad ng IP ay malamang na puntirya ng insurhensiya.
Sa Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatatag na isang “whole-of-nation” approach sa paglaban sa insurhensiya, inilatag ng IPMRsang kanilang agenda upang maka-ambag sa layunin ng gobyerno sa paglaban sa communists-terrorists groups lalo na sa mga lugar na may impluwensiya ang mga rebelde.
Sa naiulat sa nakaraang ProvincialPeace and Order Council meeting (PPOC), tatlong munisipalidad ang nailistang pangunahing kailangan bigyan ng pansin ng pamahalaang lalawigan ukol sa insurhensiya, ito ang Lacub, Tubo at Malibcong.
Sinabi ni Lacun IPMR Nathaniel B. Bersamina na pinamgumgunahan niya ang mga komunidad ng IP na pangalagaan ang kanilang pamilya lalo na ang kabataan sa pagsali sa alinmang nongovernmental organization na hindi kinikilala ng PPOC. Pabor siya sa pagtatalaga ng mas maraming tropa ng gobyerno sa mga apektadong barangay upang mabawasan o masupil ang mga operasyon at underground movements ng New People’s Army. (NPAs).
Dahil karamihan ng nirerekrut ng NPA ay mga out-of-school youth ay ipinigadiinan ni Luba IPMR Josefa Duyao ang kahalagahan ng edukasyon lalo na sa kabataang IP. Ang planong hakbang niya, ayon sa kaniya ay himukin ang OSYs na mag-enroll sa Alternative Learning System o kumuha ng trainings na inihahandog ng Technical Education and Skills Development Authority.
Sinabi ni Tubo IPMR Dizon Biernes na walang residente mula sa munisipalidad ang na-rekrut ng NPA. SInabi niya na ang nagrorondang mga rebelde sa palibot ng munisipalidad ay mula sa ibang lugar dahil ang Tubo ay nasa tri-boundary ng Kalinga, Mountain Province at Ilocos Sur.
Gayunman ay siniguro ni Dizon na ipagpapatuloy niya na proteksiyunan ang katutubong tirahan ng Tubo laban sa pagrekrut ng terorista sap ag-imbita ng mas maraming opisyla ng gobyerno na dalhin ang kanilang serbisyo sa mga liblib na lugar ng munisipalidad.
 
JDP/CAGT – PIA CAR/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon