AFP, PNP naka-full alert kontra NPA sa Cordillera

Jan 9, 2019

LUNGSOD NG BAGUIO – Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) sa rehiyon ang kaligtasan ng mga residente at turista mula sa pananakot ng mga miyembro ng Communist New People Army Terrorists (CNT), lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ito ang ipinangako ng komander ng 503rd Infantry Brigade (IB) at ng director ng regional police sa hiwalay na interview.
“Alert na ang mga sundalo in coordination with the PNP, LGU (local government unit) katulungan din natin sila para maipatupad ang peace and order na mandato natin,” ani 503rd IB acting commander Colonel Henry Doyaoen habang ginaganap ang 4th quarter joint meeting ng Cordillera Regional Development Council (RDC) at ng Peace and Order Council (POC) sa Mansion House noong Miyerkules (Disyembre 19).
Dagdag pa nito na nakikipagtulungan din ang mga tagapagpatupad ng batas sa Department of Tourism (DOT).
“Kasama din natin ang DOT, ine-ensure natin na magiging kaaya-aya ang pagbisita nila [tourists] lalo na ngayong pasko and hopefully ma-prevent natin yung kung meron man silang iniisip na gagawin katulad sa ibang lugar, sana hindi mangyari dito sa ating lugar, unahan natin sila na ma-prevent yun,” aniya.
Hinimok ni Doyaoen ang publiko, mga barangay officials, at ang lahat sa komunidad na maging mapagmasid at iulat ang anumang posibleng banta sa kapayapaan ng kanilang mga lugar.
“We call on the other agencies, the public, to provide us with information, which will help prevent criminal activities from being perpetrated by the terrorists,” aniya.
Ang Police Regional Office-Cordillera (PROCOR) ay nasa “heightened alert” at magpapatuloy ang pagiging “full alert” mula sa Disyembre 24 hanggang Enero 1,2019.
Kinumbinsi ni Chief Supt. Rolando Nana ang mga residente na huwag papasukin sa kanilang tahanan ang sinumang kasapi ng NPA at maging sa komunidad.
Nakiusap din ito sa NPA na huwag manggulo sa mga komunidad na makakaapekto sa mga sibilyan.
Iniulat naman ni Dayaoen na mula Oktubre 1 hanggang Disyembre 14 ngayong taon ay walang karahasang may kaugnayan sa NPA ang naitala. “We hope wala sanang mangyari,” aniya.
Sa halip, aniya, ilang myembro ng NPA ang boluntaryong sumuko.
Nabigyan ang mga ito ng tulong mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Ang E-CLIP ay isang inter-agency collaboration na nagbibigay-tulong sa mga surrenderers gaya ng pagkakaloob ng livelihood training at ladderized education system upang makapagtapos ng pag-aaral ang mga mas nakababata.
Nabanggit naman ni Nana ang Executive Order 17 ng Presidente Rodrigo Duterte na nagsasad ng “a whole of government approach to end insurgency.”
Aniya, lahat ng mga probinsya sa Cordillera aay nagtatatag ng half-way houses kung saan makakapagsimula ng panibagong buhay ang mga surrenderers.
“Our surrenderers laid down their arms because they hear of the government’s programs and the sincerity of President Duterte to end the insurgency and have peace and development in the country,” ani Nana.
L.AGOOT, PNA/ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest