NITONG MGA HULING araw, muling nasubukan ang katatagan ng Baguio sa gitna ng bagyong Carina na pinalakas pa ng Habagat. Dalawa o tatlong araw na hinambalos ang lungsod. Walang puknat na ulan ang bumuhos, na sinabayan pa ng nakabibinging hangin. Kaya naman, tigil putukan muna sa pulitika. Ayuda muna, lalo na sa mga tradisyunal ng umaasa sa anumang maitutulong.
Kaya naman nitong mga huling araw, ang mga sinasabing namumugto ang mga mata sa hangaring pulitika, lalo pang pinag-ibayo ang mga pagbibigay – ng pera, ng grocery bag, ng mga school supply madani lamang na sa panahon ng kagipitan, sila ay hindi pahuhuli sa pansitan. Hindi maikakaila na halos isang taon pa ang susunod na eleksyon. Hindi rin kataka-taka na sa larong pulitika, iba na ang maagap sa masipag. Pulitika na nga ang usap-usapan kung
saan-saan man.
Mantakin natin na sa Oktubre pa ang pag-sumite ng kandidarura sa halalang Mayo 2025. Tatlong buwan pang
bubunuin bago opisyal ng masasabi na kasali sila sa mga pagpipilian. Sa mga nagbabalak, ilang buwan lang iyan.
Magkakaalaman na. Sabihin ng maaga pa pero pag pulitika ang tema ng usapan, walang Duda na walang maaga. Iba na nga naman ang nauna, ang maagap kaysa maaga. Di ba daig ng maagap ang masipag? Sa pagka-Mayor, tanggap na ng sambayanan na muling tatakbo si Benjie Magalong. Huling 3-taong termino nya at nungka nangyari na tumaob ang bangkang sinasakyan.
Pero, dahil sa huling taon na ni Congressman Mark Go, matunog ang ngalan nya bilang kandidato para sungkitin ang mayorship ng lungsod. Sabi ng mga nagmamarunong, magandang laban ang Magalong kontra Go. Meron ng slogan si Yorme: Go Magalong! Sa Kongreso, pinag uusapan din ang mga bagong mukha ng mga kandidato daw.
Bagong mukha pero lumang pangalan. Tumaas ang kilay ng mga political armchair analyst ng gumulantang ang mga
sinasabing salpukan sa labanang kongreso.
Sa ngayon, ay matunog ang ngalang Sol Go, ang butihing maybahay ni Rep. Mark. Siya ang sinasabing haharap bilang kandidato sa upuang iiwan ng kanyang esposo. Ngayon pa lang, ay pinaguusapan na mga nagnanasang tatakbo rin pagka Kongresista. Ang mga matagal na sa panunungkulan ay matunog na haharap muli sa taong bayan: sina Atty Morris Domogan at Atty Nicasio Aliping – mga batikang lider na ang mga ngalan ay may halaga pa rin.
Meron ding pumailanlang na ngalan na sinasabing may dalang epekto sa mga nangunguna sa karera. Pangunahin sa mga sorpresang pangalan ay si Gladys Vergara, anak ng retiradong political leader na si Bernie Vergara 12ng taong Kongresista at 3ng taong City Mayor. Sa ngayon, ang lahat ay haka-haka pa rin. Wala pang gaanong kumpirmasyon,
gayong ang mga pangalan na Sol Go, Morris Domogan, Nic Alipin, at Gladys Vergara ay mga parandam at oabulpng.
Hindi rin maikakaila ang pagtaas ng kilay sa larong pulitikang binubuo ngayon pa lang.
Sa ngayong panahon, Gaano katotoo na / ayon sa mga ordinaryong taong na ating nakakalambingan – ang mag
asawang Go ang sasabak sa pagka-Mayor at oagka Kongresista ng sabay? Kakaibang tandem, mag esposo na! Sinusubukan kaya ang namumuong political dynasty? Wala na bang iba? Kung panahon pa ni Mayor Luis Lardizabal, nungkang pinatakbo nya ang maybahay na First Lady. Hindi tinangka kailan man ni Lakad Lardi na
maging katuwang si FL sa pagtakbo bilang Vice Mayor o Congresswoman.
Hindi raw bale na merong Vergara na sasabak para sa Kongreso. Pagpapatuloy daw ito ng mga dekadang serbisyo
para sa Baguio – mula pa taong 1998 bilang Congressman hanggang 2001, at naging Mayor 2001 hanggang 2004; at
nakabalik bilang Congressman noong 2010. Go Magalong na labanan para sa City Hall? Go Vergara naman para sa Kongreso? O magbabago pa ang larawan ating nakikita sa ngayon?
Kung tutuusin, hindi lang pulitika ang bumubuhay sa Baguio. Nandyan pa rin ang natural na yumi at ganda ng
lungsod na syang pangunahing atraksyob anuman ang panahon. Pulitika rin ang magpapagana sa ekonomiya ng
Baguio upang harapin ang mga darating na hamon!
July 28, 2024
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025