27 wanted person arestado sa manhunt operation sa Cordillera
LA TRINIDAD,Benguet
Dalawampu’t pitong wanted person, kabilang ang limang nakalista bilang Top Most Wanted Person ay naaresto sa isang linggong manhunt operation sa Cordillera mula Marso 5 hanggang 11. Sa talaan ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), Benguet Police Provincial Office ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may 11 wanted person, na sinundan ng Baguio City Police Office na may pitong naaresto; Abra PPO na may limang naaresto; at tig-dalawang arestuhin para sa Ifugao PPO at Kalinga PPO.
Sinabi ni BGen.Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, na nag-highlight sa manhunt operations nitong linggo ay ang pag-aresto sa limang indibidwal na nakalista bilang Most Wanted Persons kung saan, isa ang nakalista sa Provincial Level, isa sa City Level, dalawa sa Municipal Level, at isa sa Station Level. Sinabi ni Bazar, 65 na munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at Baguio City ang nananatiling mapayapa dahil naitala ng PROCOR ang zero crime incident sa parehong linggo.
Zero crime incidents ang naitala sa 26 na munisipalidad ng Abra; limang munisipalidad sa Apayao; siyam na munisipalidad sa Benguet; anim na munisipalidad sa Kalinga; siyam na munisipalidad sa Mountain Province; at 10 munisipalidad sa Ifugao.
Zaldy Comanda/ABN
P4.1-M marijuana, shabu, nasamsam sa Cordillera
CAMP DANGWA,Benguet
May kabuuang P4.1 milyong halaga ng iligal na droga mula sa marijuana at shabu, samantalang siyam na drug pushers ang nadakip sa magkakahiwalay na operation na isinagawa ng mga tauhan ng Police Regional Office-Cordillera mula Marso 5-11. Nabatid kay Brig,Gen.Mafelino Bazar, regional director, may kabuuang 14,068 piraso ng Fully-Grown Marijuana Plants (FGMJP), 52 piraso ng Marijuana Seedlings, at 8,000 gramo ng Dried Marijuana Leaves at Fruiting Tops na may kabuuang Standard Drug Price na P3,775, 680.00 ang natuklasan mula sa apat na clandestine na plantasyon ng marijuana sa sa bayan ng Kibungan, Benguet.
Ayon kay Bazar, sa siyam na drug personalities na nadakip, ay tig-apat mula sa Benguet Police Provincial Office at Baguio City Police Office (BCPO), habang isang drug personality ang nadakip ng Apayao PPO. Sa Benguet PPO, kinilala ang mga naarestong drug personalities na sina Ian Barrientos, 29; Raymund Soriano, 26; Sahraine Omar, 18; at isang 17-taong-gulang na babae.
Samantalang sa BCPO ay nakilalang sina Grace Sibug, 47; Kryzer Jewel Dela Concha, 26; Vladimer
Villamer, 29; at Dexter Balanza, 31 habang si Wilmer Lingayo, 37 ay arestado ng mga operatiba ng Apayao PPO.
Sa kabuuang nakumpiskang shabu ay may timbang na 51.26, na may kabuuang SDP na P348,568.00 ang nakumpiska mula sa siyam na drug personalities. Lahat ng mga naarestong suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Zaldy Comanda/ABN
March 18, 2023
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025