AMIANAN POLICE PATROL

68 wanted person nalambat sa manhunt operation sa Cordillera

CAMP DANGWA, Benguet

Arestado ang limampu’t isang wanted person, kabilang ang 17 indibidwal na nakalista bilang Most Wanted Persons sa isang linggong pagpapatupad ng pinaigting na manhunt operations na isinagawa sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon. Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective
Management Division (RIDMD), mula Marso 19 hanggang Marso 25, naitala ng Benguet Police Provincial Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na mayroong 23 wanted person, na sinundan ng Baguio City Police Office na may labindalawang 12. pag-aresto; Abra PPO na may 10 naaresto; Apayao PPO na may pitong naaresto; Ifugao PPO na may anim na naaresto; at tig-limang pag-aresto para sa Kalinga PPO at Mountain Province PPO.

Sa 17 indibidwal na nakalista bilang Most Wanted Persons, isa ang nakalista sa Regional Level, tig-lima sa Provincial at Municipal Level, at tatlo sa City at Station level. Sinabi ni Brig.Gen.David Peredo,Jr.,regional director ng Police Regional Office-Cordillera,dahil sa pinaigting na police
visibility at kampanya laban sa kriminalidad, 51 munisipalidad sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon at isang police station sa Baguio City ay nananatiling mapayapa dahil naitala ng PROCOR
ang zero na insidente ng krimen sa parehong linggo.

Zero crime incidents ang naitala sa 20 munisipalidad ng Abra; dalawang munisipalidad sa Apayao; pitong munisipalidad sa Benguet; limang munisipalidad sa Kalinga; siyam na munisipalidad sa Mountain Province; at walong munisipalidad sa Ifugao. Dagdag pa, naitala rin ng Irisan Police Station 9 ang zero crime incidents sa 10 police stations sa Baguio City.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon