P1.8M illegal drugs nakumpiska,3 drug pusher arestado
CAMP DANGWA, Benguet
Nasa kabuuang P1,888,840.00 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska,samantalang
tatlong drug personalities ang naaresto sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations na isinagawa sa rehiyon ng Cordillera noong Hunyo 14. Batay sa mga ulat na isinumite kay Brig.Gen.DavidPeredo,Jr., regional director ng Police Regional Office-Cordillera, kinilala ang mga naarestong drug personalities na sina Beljimar Nabus, 24; Erryl Diane Angway 27 at Jeffrey Dela Peña, 30.
Si Dela Peña ay nadakio sa Barangay Lourdes Proper, Baguio City ng magkasanib na anti-illegal drugs operatives ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at Baguio City Police Office (BCPO) matapos itong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang “shabu” na may timbang na 1 gramo na may Standard Drug Price na P6,800.00.
Sina Nabus at Angway naman ay nadakip sa Barangay Balili, La Trinidad, Benguet, mula sa buy-bust operation na inilunsad ng mga anti-illegal drugs operatives ng Benguet Provincial Police Office, na nagresulta sa pagkakarekober ng isang plastic sachet ng hinihinalang “shabu” na humigitkumulang ang bigat 0.3 gramo na may SDP na P2,040.00.
Nagsagawa naman ng marijuana eradication ang mga tauhan ng Kalinga Provincial Police Office sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga, na nagresulta sa pagkakadiskubre ng kabuuang 9,400 fully pieces ng Fully-Grown Marijuana Plants (FGMP) na may SDP na P1,880, 000.00. Binunot at sinunog ang lahat ng halaman ng marijuana habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga posibleng magsasaka.
Zaldy Comanda/ABN
23 wanted person arestado sa manhunt operation sa Cordillera
CAMP DANGWA, Benguet
Arestado ang 23 wanted person sa pinaigting na pagpapatupad ng manhunt operation ng Police Regional Office-Cordillera mula Hunyo 4 hanggang 10. Batay sa mga tala ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), ang Baguio City Police Office (PPO) at Benguet Police Provincial Office (PPO) ang may pinakamaraming naaresto, na may tig-pitong arestuhin, na
sinundan ng Ifugao PPO na may tatlong pag-aresto, ang Abra PPO at Kalinga PPO na may tig-dalawang pag-aresto, at ang Mountain Province PPO at Apayao PPO na may tig-iisang pagaresto.
Mula sa isang linggong manhunt operation ay nasakote an dalawang indibidwal na nakalista bilang Most Wanted Persons (MWP): ang isa ay nakalista bilang No. 2 MWP sa Provincial Level at isa (1) ang nakalista bilang No. 2 MWP sa Station Level , kapwa para sa 2nd Quarter ng CY 2023. Dahil sa pinaigting na presensya ng pulisya, 58 munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at limang
istasyon ng pulisya sa Baguio City ay nananatiling mapayapa, dahil ang PROCOR ay nagtala
ng zero na insidente ng krimen sa parehong linggo.
Zero crime incidents ang naitala sa 25 sa 27 munisipalidad sa Abra; apat sa anim na
munisipalidad sa Apayao; sampu sa labintatlo 13 munisipalidad sa Benguet; pito sa 11 munisipalidad sa Ifugao; walo sa sampung munisipalidad sa Mountain Province; at apat sa pitong munisipalidad sa Kalinga. Dagdag pa, ang City Police Stations ng Naguilian Police Station (PS) 1, Camdas PS2, Loakan PS4, Aurora Hill (PS6), at Kennon Road PS8 ay nagtala rin ng zero crime incidents sa 10 police stations sa Baguio City.
Zaldy Comanda/ABN
June 19, 2023