Pugante ng Baguio nahuli ng CIDG sa Lunsod ngCandon
CANDON CITY
Dahil sa mahabang kamay at matalas na mata ng batas ay nasakote ng pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group-Baguio City ang isang pugante na halos sampung taon ng nagtatago di umano sa lunsod ng Candon, Ilocos Sur . Pinamunuan ni P/Major Jayrol D. Oribillo, city officer ng CIDG Baguio ang pagkakahuli sa suspek na si Ernesto Ladio Dumling sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas ni Baguio City Judge Edilberto Claravall ng RTC branch 60 sa lunsod ng Baguio. Ang Suspek ay may kasong Frustrated Homicide na may bail na P120,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ayon kay Oribillio sa kanyang ulat kay P/Col. Reynaldo Lizardo, regional chief ng CIDG-CAR ang suspek ay nasa kategorya ng Top Most Wanted sa Provincial Level . Samantal isa ring wanted person ang nahuli ng grupo ni Oribillio sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Rufus
Malecdan, ng RTC 60 kinilala ang suspek na si Jun Galang Caniezo ng Purok 1 Dontogan sa lunsod ng Baguio noong June 14, 2023 na may kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 otherwise also known as Service of Sentence.
ABN POLIC E PATROL
July 1, 2023
July 1, 2023
March 29, 2025
March 29, 2025
March 29, 2025
March 29, 2025
March 29, 2025
March 29, 2025