AMIANAN POLICE PATROL

P27.3M ang halaga ng iligal na droga na nasabat sa Cordillera

LA TRINIDAD, Benguet

May kabuuang P27,342,800 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam at ang pagkakaaresto sa dalawang drug personality sa isinagwang isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera mula Hunyo 25–Hulyo 1. Sinabi ni Brig.Gen.David Peredo,Jr.,regional director, anim na clandestine marijuana plantation sites ang natuklasan sa mga munisipalidad ng Bakun at Kibungan, Benguet. May kabuuang 230 piraso ng fully grown marijuana plants (FGMJP);

Nadiskubre mula sa mga site na ito ang 6,400 pirasong punla ng marijuana at 225,000 gramo ng tuyong dahon ng marijuana at mga namumunga na may kabuuang Standard Drug Price na P27,302,000.00. Ang lahat ng ito ay sinunog pagkatapos ng dokumentasyon. Sa rekord ng Regional Operations Division (ROD), arestado ang dalawang personalidad matapos makuhanan ng kabuuang 6.0 gramo ng shabu, na may kabuuang SDP na P40,800.00.

Ibinunyag sa parehong ulat na ang dalawang pag-aresto ay ginawa ng mga operatiba ng Kalinga Police Provincial Office (PPO), na kinilala ang mga suspek na sina Felix Cammagay, 35, at Rany Marquez, 44.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon