P19.9-M iligal na droga nasabat sa Cordillera
CAMP DANGWA, Benguet
Aabot sa P19,999,000 halaga ng iligal na droga ang nasamsam kung saan dalawang drug
personalities ang naaresto sa magkahiwalay na drug operations na isinagawa ng Police Regional Office-Cordillera mula Oktubre 22–28. Mula sa rekord ng Regional Operations Division ng PRO
Cordillera, inaresto ang dalawang drug personalities matapos silang mahuli sa pag-aari ng kabuuang 156 kilo ng marijuana brick at 10 kilo ng vacuum-sealed tubes ng dahon at tangkay ng
marijuana, na may kabuuang Standard Drug Price na P19,920,000.00.
Ibinunyag sa parehong ulat na ang dalawang nadakip ay hiwalay na ginawa ng mga operatiba ng Benguet Police Provincial Office at ng Kalinga PPO. Kinilala ang mga suspek na sina Benjamin Fajardo Bauto, 54, na nakalista bilang High Value Individual at Caen Khristian Beltran Rioga, 19, na nakalista bilang Streel Level Individual. Lahat ng mga naarestong suspek at mga nakumpiskang
ebidensya ay dinala sa kani-kanilang arresting units, habang ang mga kasong paglabag sa R.A. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang isinampa laban sa kanila.
Sa magkahiwalay na operasyon ng pagpuksa ng marihuwana, tatlong lihim na plantasyon ng marijuana na may kabuuang 2,360 piraso ng fully grown na halaman ng marijuana; 5,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga namumungang tuktok; at 180 piraso ng marijuana seedlings na may kabuuang SDP na P1,079,200.00 ang natuklasan sa probinsya ng Benguet. Ang lahat ng ito ay sinunog ng mga operatiba pagkatapos ng dokumentasyon, at ang mga follow-up na operasyon ay isinasagawa upang matukoy ang mga posibleng nagtatanim ng marijuana.
Zaldy Comanda/ABN
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025