Farmer timbog sa P170K halaga ng shabu sa Mt.Province
PARACELIS Mt. Province
Natimbog ang isang drug personality at nakuhanan ng P170,000.00 halaga ng hinihinalang shabu matapos ipatupad ang search warrant sa loob ng kanyang tirahan sa Poblacion, Paracelis, Mt. Province noong Nobyembre 7. Nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera at Mt. Province Provincial Police Office ang suspek na si Clarence Chongawen Gunday Sr., magsasaka ng nasabing barangay, at nakuhanan ng humigit-kumulang 25 gramo ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, .22 mm revolver, .22 mm rifle at mga bala. Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, at Republic Act 10591 ang isasampa laban sa suspek.
Zaldy Comanda/ABN
209 cops pinarangalan sa kanilang serbisyo sa BSKE sa Cordillera
CAMP DANGWA, Benguet
Dalawang-daan siyam na Reactionary Standby Support Force (RSSF) contingents ng Police Regional Office Cordillera (PRO Cordillera) ang ginawaran para sa kanilang huwarang pagganap ng tungkulin noong Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 (BSKE) sa rehiyon. Natanggap ng mga awardees ang kanilang Medalya ng Papuri (PNP Commendation Medal) mula kay Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director, sa isang seremonya na ginanap sa Multipurpose Center, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad Benguet, noong Nobyembre 3.
Pinuri at binati ni Peredo ang RSSF contingents sa pagtiyak sa ligtas, maayos, at mapayapang pagsasagawa ng BSKE 2023 sa lahat ng munisipalidad ng Abra. “Kayo ang huwaran ng disiplina na ipinagmamalaki ng pamilya PRO Cordillera at ng buong rehiyon ng Cordillera. Nawa’y hindi ito ang katapusan ng inyong walang sawang pagsuporta sa inyong sinumpaang tungkulin at responsibilidad. Araw-araw ay isang mapanghamong gawain, kung saan kami ay obligado na
maging mas mapagbantay sa lahat ng oras.
Hinihimok ko ang lahat na manatiling tapat at matatag sa ating mandato bilang mga alagad ng batas,” dagdag ni Peredo. Ang napakahalagang kaganapan ay sinaksihan ng Deputy Regional Director for Administration, Brig.Gen. Patrick Joseph Allan; Acting Deputy Regional Director for
Operations, Col.Elmer Ragay; ang Chief Regional Staff, Col.Julio Lizardo; ang Regional Staff; ang Chief ng Regional Support Units; at iba pang tauhan ng PRO Cordillera.
Zaldy Comanda/ABN
November 11, 2023