AMIANAN POLICE PATROL

P5.6-M marijuana plants sinunog sa Benguet, Kalinga

LA TRINIDAD, Benguet

Naka-iskor ng mahigit sa P5.6 milyong halaga ng marijuana plants ang mga tauhan ng Benguet at Kalinga Provincial Office sa magkahiwalay na dalawang-araw na eradication, noong Enero 17-18.
May kabuuang 27,170 piraso ng marijuana na may halagang P5.674 milyon ang binunot at sinunog,kabilang ang 3 kilong dried marijuana stalks sa nasabing marijuana eradication.

Nadiskubre ng mga tauhan ng Tinglayan Municipal Police Station sa Kalinga ang 1,100 square meter lot at pinagbubunot ang may 10,000 piraso ng tanim na marijuana, na may halagang P2,000,000 sa Barangay Butbut Proper,Tinglayan,Kalinga,noong Enero 17. Tatlong plantation sites naman ang nadiskubre ng mga tauhan ng Benguet Provincial Police sa Sitio Mocgao,Barangay Badeo,Kibungan,Benguet at pinagbubunot ang 1,920 piraso ng marijuana na may halagang P264,000, noong Enero 18.

May kabuuang 4,200 piraso ng marijuana,na may halagang P840,000 ang pinagbubunot at sinunog sa Sitio Bulalacao,Barangay Tacadang, Kibungan,Benguet, samantalang 3,250 piraso ng marijuana plants,na may halagang P650,000 ang binunot sa Sitio Dinem-meg,Barangay Kayapa, Bakun, Benguet. May kabuuang P1,920 milyong halaga ng 7,800 piraso ng marijuana plants ang
natunton ng operatiba sa communal forest ng Sitio Sakaang,Barangay Madaymen, Kibungan, Benguet, kabilang ang 3 kilo ng dried marijuana, noong Enero 18.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon