AMIANAN POLICE PATROL

Apat katao huli sa P2.4-M marijuana bricks sa Baguio City

BAGUIO CITY

Apat katao ang nadakip matapos mahulihan ng P2 milyong halaga ng marijuana bricks sa buybust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera sa Barangay Pinsao Proper,Baguio City,noong Enero 31. Kinilala ang mga nadakip na sina Chou Darwin Tauli Corpuz,37, family driver, ng Quezon Hill,Baguio City; Pedrito Tamocag Ayawan,27, ng Kibungan,Benguet; Jim Ayawan,18 at Kari del Mundo Gile,25,ng Quezon Hill, Baguio City.

Ayon sa PDEA, ang mga suspek ay masusing sinubaybayan bago isinagawa ang buy-bust operation kay Corpuz na nagbenta sa poseur-buyer ng 19 piraso ng rolled elongated tubular shape wrapped with plastic bag, na may timbang na 20,100 gramo ng marijuana bricks na may Standard Drug Price na P2,412,000. Nakuha din sa mga suspek ang P6,000 boodle money, apat na sako na pinaglagyan ng marijuana na inihalo sa gulay; isang brown paper bag, isang leather wallet na naglalaman ng assorted cards at iba pang mga non-drug evidence.

Zaldy Comanda/ABN


 

4 TMWP, 15 personalidad arestado ng CIDG-Cordillera

LUNGSOD NG BAGUIO

Huli ang apat ng Top Most Wanted Persons (TMWP) kabilang ang 15 iba pang wanted personalities bilang resulta ng patuloy na pinaigting na manhunt operations na isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cordillera. Kasama sa apat na most wanted personalities na naaresto ay kinilalang si Ellamar Bardoquillo, na nahaharap sa Illegal Recruitment Committed by a Syndicate, at nakalista bilang No. 3 MWP sa Regional Level ng CIDG RFU14. Inaresto siya ng mga operatiba ng Benguet Provinsial Field Unit sa Zone 74, Cauringan, Sison, Pangasinan, noong Enero 22, 2024.

Samanatala, inaresto naman ng mga operatiba ng Abra Provincial Field Unit si Felipe Tugadi Vibas na nahaharap sa
panggagahasa kaugnay sa RA 7610 at nakalista bilang No. 9 TMWP sa Provincial Level para sa 1st quarter ng 2024 sa isang operasyon ng police sa Sitio Luguit, Barangay Patucannay, Tayum, Abra hapon ng Enero 17, 2024. Inaresto rin ng mga operatiba ng CIDG Baguio CFU si Nelson Lacson Capati, No. 2 TMWP sa Municipal Level para sa 1st Quarter, CY 2024 na nahaharap sa two counts ng Estafa at Qualified Theft. Naaresto siya sa Del Pilar, San Fernando, Pampanga noong Enero 19, 2024. Inaresto rin ng parehong unit si Elsie Tayag Capati na nakalista bilang No. 3 TMWP sa Municipal Level para 1st Quarter , CY 2024 para sa parehong krimen. Inaresto siya sa 11th Avenue, Unisite
Subdivision, Del Pilar, San Fernando, Pampanga sa parehong petsa.

Isa pa, 15 iba pang tinutugis ng batas ang inaresto ng CIDG Cordillera para sa iba’t-ibang pagkakasala at krimen. Ayon kay PCOL Leon P. Talleo, Regional Chief ng CIDG Cordillera na ang nasabing mga tinutugis ng batas ay naaresto sa loob ng dalawang linggo dahil sa pinaigting at pinahusay na anti-criminality flagship projects na ipinapatupad ng CIDG. Dagdag pa, pinuri ni PCOL Talleo ang kaniyang mga tauhan na kasama sa nasabing mga operasyon at hinimok sila na arestuhin pa ang mas maraming tao na gumagawa ng mga iligal na mga aktibidad, lalo na ang mga nasa Top Most Wanted Persons na may mga Mandamyento de Aresto.

(CIDG-Cordillera PR/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon