AMIANAN POLICE PATROL

P28-M illegal drugs nasamsam,12 drug pusher nasakote

LA TRINIDAD, Benguet

Nakakumpiska ang mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera ng kabuuang P28,367,831.60 halaga ng iligal na droga,samantalang 12 drug personalities ang nadakip sa isang linggong pagpapatupad ng pinaigting na antiillegal drugs operations sa rehiyon,noong Pebrero 11-17. Sa rekord ng Regional Operations Division, sa mga isinagawang marijuana eradication sa lalawigan ng Benguet, Kalinga, at Mountain Province, ay may kabuuang 141,570 piraso ng fully grown marijuana plant at 7.73 gramo ng pinatuyong marijuana na may kabuuang Standard Drug Price na na P28,314,927.00 ang nadiskubre at sinunog ng mga operatiba sa lugar.

Sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operations naman na isinagawa sa Abra, Baguio City, Benguet, at Kalinga, ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng kabuuang 7.78 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang SDP na P52,904.00 at pagkakaaresto ng 12 drug personalities. Walo sa kanila ay nahuli mula sa buy-bust operations, dalawa mula sa pagpapatupad ng warrant of arrest at dalawa mula sa iba pang law enforcement operations. Lahat ng mga naarestong suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon