MABUHAY ANG LAHING PILIPINO

Mula sa Balik Loob Organization of Mountain Province (BLOOMP), nais naming ihayag ang ilang mga bahagi sa ating kasaysayan patungkol sa katotohanan sa pagbuo sa katagang “People Power” na hindi nabigyan ng kalinawan at pilit binubura sa kasaysayan. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang paggamit ng CPP-NDFNPA ng katagang People Power ay isang makinarya o taktika upang pasiklabin ang anti-Marcos at anti Martial Law na kaisipan ng mamamayan. Ito ay para palakasin ang kanilang organisasyon salungat sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino.

Ang rebolusyonaryong kilusan ay lumakas sa panahong ito hindi dahil sa Martial Law kundi dahil tutol ang rebolusyonaryong kilusan sa mga inprastraktura at pag-unlad ng bansa. Nais nilang manatiling atrasado at mapako sa kahirapan ang mamamyang Pilipino, at pagsamantalahan ito para palakasin ang rebolusyonaryong kilusan at
gawing sandata kontra sa pag-unlad at wasakin ang demokratikong bansa. Bagamat naitala sa kasaysayan ang konting presensya ng CPP-NDF-NPA sa naganap na EDSA Revolution, ngunit sa katunayan ay naging malaking
bahagi sila sa paglason ng kaisipan ng maraming Pilipino ng panahon na iyon.

Sila ang nag udyok sa mamayang Pilipino para mag rebelde at kalabanin ang gobyerno para patalsikin ang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Ang nais ng grupo ay ang pabagsakin ang demokrasya at palitan ng kumonistang bansa. Ngunit kahit anong panlalason at pang-uuto na ginawa ng Kumonistang Teroristang Grupo na ito, nanaig pa rin ang pagmamahal ng mamayang Pilipino sa kapayapaan at demokrasya.

Kaya naman naniniwala ang BLOOMP na sa pamamagitan ng demokrasya at pagkilos na naayon sa Saligang Batas na siyang pinakamataas na pagsandig sa katarungan, ang magiging susi sa maunlad at mapayapang bansa, at pagbabago ng lipunan, hindi ang komunista at terroristang pananaw o kaisipan. Muli, ang EDSA People Power Revolution ay ang pagtangkang pag agaw ng CPPNPA-NDF sa kapangyarihan ng pangulo upang gawing Komunista ang bansa.

Ang BLOOMP ay taos pusong sumusuporta sa programa ng gobyerno. Ang NTF-ELCAC ang nagbigay daan sa amin at iba pang mga dating kasapi ng NPA na magbalik-loob at makipamuhay ng mapayapa sa kumunidad. Kapit-bisig tayong mga Pilipino at palakasin ang makadiwang pagkakaisa na nakabalangkas sa ating Saligang Batas, at iwaksi ang mapanlinlang na kaisipan ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF. Maraming Salamat at Mabuhay
ang lahing Pilipino!

Amianan Balita Ngayon