P858.9-M MARIJUANA SINUNOG SA SIYAM NA ARAW NA OPERASYON SA KALINGA

TABUK CITY, Kalinga

Pinangunahan ni Cordillera top cop Brig.Gen.David Peredo,Jr., ang pagsira sa plantasyon ng marijuana sa Mt.Chumanchil, Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga noong Mayo 7. Ayon sa Kalinga Provincial Police Office, umabot sa P858.9 milyong halaga ng marijuana plants ang nabunot at sinunog sa isinagawang siyam na araw na operation na nagsimula noong Abril 29.

Ayon sa KPPO, ang pagsuyod sa mga plantasyon ng marijuana ay inilunsad sa ilalim ng Oplan Highlander mula sa pagtutulungan ng mga antiillegal drugs operatives mula sa PNP Drug Enforcement Group, Special Operations Unit-CAR, Regional Drug Enforcement Unit, Kalinga Police Provincial Office, Regional Intelligence Division, 11 SAB PNP SAF, TOG2, Philippine Air Force, PCGNortheastern Luzon District, Regional Mobile Force Battalion 15, 503rd Brigade Philippine Army, National Intelligence Coordinating Agency-CAR, PDEA-CAR, at Philippine Coast Guard.

Si Peredo, kasama si Col.Elmer Ragay, deputy regional director for operation at iba pang command group, ay
binunot at sinunog ang mahigit 150,000 piraso ng fully grown marijuana plants na may Standard Drug P30,000,000.00 na nakatanim sa isang 5,000 metro kuwadradong plantation site sa Bundok Chumanchil. Sa kabuuang siyam na araw na opersyon, ang mga operatiba ay nakatuklas ng 27 plantation sites sa Mt.Chumanchil, na
kilalang kabundukan na taniman ng marijuana, na nasasakupan ng Barangay ng Buscalan at Loccong.

May kabuuang 3,349,500 fully grown marijuana plants ang pinagbubunot; 1,575,000 gramo ng pinatuyong tangkay
ng marijuana na may mga bungang tuktok ang narekober, na may kabuuang halagang P858,800,900.00. Nabatid na patuloy na nagsasagawa ang mga operatiba sa iba pang mga plantasyon sa lugar at matukoy ang ilang farmer na responsible sa pagtatanim.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon