AMIANAN POLICE PATROL

13 wanted person arestado sa manhunt operation sa Cordillera

LA TRINIDAD, Benguet

Inaresto ng mga pulis ng Cordillera ang 13 indibidwal na wanted ng batas sa isang linggong manhunt operation na isinagawa mula Pebrero 25 hanggang Marso 2. Habang pinalalakas ng PRO Cordillera ang kampanya laban sa kriminalidad, may kabuuang 65 munisipalidad sa rehiyon ang nagtala ng zero na insidente ng krimen mula sa isang linggong operasyon na isinagawa.

Batay sa talaan ng Regional Investigation and Detective Management Division, naitala ng Benguet Police Provincial Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na limang wanted person, sinundan ng Kalinga PPO na may tatlong arestado; Baguio City Police Office at Mountain Province na may tig-dalawang arestado, at Abra PPO na may isang pagaresto. Sa mga naarestong personalidad, isang indibidwal ang nakalista bilang Most Wanted Person sa parehong Municipal at Provincial Level.

Dahil sa pinaigting na presensya ng pulisya, nananatiling mapayapa ang 65 munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan sa
rehiyon at dalawang istasyon ng pulisya sa Baguio City, dahil zero ang naitala ng PRO Cordillera na insidente ng krimen sa mga lugar na ito sa parehong linggo.

Zero crime incidents ang naitala sa 24 na munisipalidad sa Abra, limang munisipalidad sa Apayao, 11 munisipalidad sa Benguet, limang munisipalidad sa Kalinga, siyam na munisipalidad sa Mountain Province, at 11 munisipalidad sa Ifugao. Dagdag pa, sa Baguio City, ang Kennon Road Police Station at Marcos Highway Police Station ay nagtala rin ng zero crime incident sa 10 police stations sa lungsod.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon