AMINANA POLICE PATROL

No.7 most wanted person sa Baguio City, arestado

BAGUIO CITY

Inaresto ng pulisya ang isang laborer na tinaguriang No.7 Top Most Wanted Person in City Level sa
Purok 7, Dontogan, Baguio City noong Mayo 22. Kinilala ang naarestong suspek na si Mike Magantino,21 at residente ng Purok 7, Dontogan, Baguio City. Nakalista din si Magantino bilang High-value Individual (HVI). Nahuli ng magkasanib na operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit-Special Operation Unit Cordillera (lead unit) at Baguio City Police Office Station 10 ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest. Si Magantino ay may kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 na may ini-rekomendang piyansang P200,000.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon