Kung saan kasalukuyan na ang mga muslim na napag-kalooban ng biyaya mula kay allah ay naglakbay sa ( MECCA ) sa landas ni allah upang magsagawa ng mga ritwal at ito ay takda mula pa kay propita abraham ( ibrahim ) sumakanya nawa ang kapayapaan Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, kung saan ang bawat nasa tamang edad na Muslim ay kailangang magsagawa nito ng hindi bababa sa isang beses sa kanilang buhay kung nasa kakayahan nila ito sa salapi at pisikal . Naiulat ito mula sa totoong tradisyon, nang ang Propeta Abraham ay matapos ang pagtatayo ng Kabah, Ang Ka’bah – Ay hugis kuwadrado na gusali na matatagpuan sa lungsod ng Mecca.
Nagsisilbi itong bilang tuunan ng direksyon kung saan nakaharap ang lahat ng mga Muslim kapag nagdarasal. Sinabi sa kanya, matapos iyang maipatayo itong KA’BAH ’Tawagin ang mga tao!’ At pagkatapos ay sinabi niya, ‘Panginoon ko, gaano kalayo ang maabot ng aking tinig?’ at sinabi sa kanya, ‘Tumawag ka, kami ang magpapaabot sa iyong
panawagan na umabot sa malalayong lugar!’ Si Propeta Abraham ay nanawagan: “O mga tao katunayag ang Allah
ay nagtagubilin ng pilgrimo (Hajj) sa inyo sa Sinaunang Bahay (Kabah)!” narinig ng mga tao ang kanyang tinig at
sila ay tumugon mula sa lahat ng lugar habang nagbibigkas nitong Talbiyah! [2]
Sa seryeng ito ng Hajj, paguusapan natin ang tungkol sa ilang mahahalagang aspeto ng Hajj, mga bagay na dapat isa-isip ng lahat kasama ang praktikal na payo na gagabay sa isang tao sa pagsasagawa At iilan lamang ito sa mga
kagandahan ng Hajj, ang babanggitin natin dito ay ang mga kagandahan na tumutukoy sa Hajj sa pangkalahatan,
1. Ang hajj ay siya itong pang limang haligi ng Islam. Ang Allah, ang Dakila, ay nagsabi: “…Ang Hajj sa Tahanan ay
isang tungkulin ng sangkatauhan sa Allah, sa mga may kakayahang gumugol (sa sasakyan, pagkain at tirahan)…” (Quran 3:97) 2.Ito ay isang tungkulin na isinasagawa ng isang Muslim na may buong dangal at pagsuko sa Diyos lamang.
Dahil sa pagiging mahirap nito inilarawan ito ng Propeta bilang isang anyo ng Jihad (pakikibaka); tama naman, dahil nangangailangan ito mula sa tao ng sakripisyo sa kanilang pera, oras at dapat silang maging mapagtimpi sa kabuuan ng gawaing pagsamba. Si A’ishah, nawa ay malugod ang Allah sa kanya ay sinabi: “Sinabi Ko O Sugo ng Allah (SWT) Ang pananaw namin sa Jihad ay isa sa pinakamainam na mga gawain; hindi ba natin gagawin ang Jihad? “Sinabi niya sa kanya:” Ang pinakamainam na Jihad (para sa iyo) ay isang Hajj na tinanggap. “[3] 3. Ang gawaing ito ng pagsamba ay nangangailangan na ang isang tao ay ialay ang lahat ng nasa kakayahan na ibinigay ng Diyos upang magawa ito!
Ipinangako ng Diyos sa mga taong nagampanan ang gawaing pagsamba na ito ang isang malaking gantimpala; ang
Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay sinabi: Ang tinanggap na Hajj (Hajj Mabroor) ay walang ibang gantimpala maliban sa Jannah (Tahanan ng Paraiso).[4] 4.Ang Propeta ay tinanong: “Ano ang pinakamainam na gawain sa paningin ng Diyos?” Sumagot siya: ”Paniniwala sa Allah!” Pagkatapos ay tinanong siya, ”Ano ang
sunod?” Sumagot siya: ”Jihad sa landas ng Allah”. Pagkatapos ay tinanong siya, ”Ano ang susunod?” Sabi niya: ”Isang tinanggap na Hajj 5.Ang Propeta ay nagsabi: “O Amr ‘hindi mo ba nalalaman na ang Hajj ay nagpapawi ng
lahat ng mga kasalanang nagawa bago ito ( Hajj) 6.. Ang Propeta ay nagsabi:
Ang isang nagsasagawa ng Hajj na hindi nagsagawa ng sekswal na gawain kasama ang kanyang asawa sa panahon ng Hajj at hindi nag-asal ng kasamaan (sa panahon ng Hajj) ay babalik mula sa Hajj sa araw yaon na siya ay parang bagong silang (malinis sa kasalanan) 7.Sinabi ng Propeta: “Habang ang kamelyo ng isang tao na dumarating para sa Hajj ay itinataas at binababa ang mga paa nito habang naglalakad papunta sa Mecca para sa pilgrimo, ang taong
naghahangad ng Hajj ay nakatatanggap ng gantimpala para sa bawat hakbang at isang kasalanan ang buburahin sa
bawat hakbang at siya ay inaangat ang ranggo. 8.Sinabi rin ng Propeta: “Ang nagsasagawa ng Hajj ay isang panauhin ng Allah; Tinawag Niya sila na gawin ang tungkuling ito at sinagot nila ang tawag na iyon! Sila ay mananalangin sa Kanya at Siya ay tutugon sa kanila. Abangan ang susunod nito para sa karugtong.
June 22, 2024
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025