Ihasik mo ang iyong tinapay sa tubigan, sapagkat ito’y iyong matatagpuan pagkaraan ng maraming araw. Magbigay ka ng bahagi sa pito, o maging sa walo; sapagkat hindi mo nalalaman kung anong kasamaan ang mangyayari sa mundo. Kung puno ng ulan ang mga ulap, ang mga ito sa lupa ay bumabagsak, at kung ang punungkahoy ay mabuwal sa dakong timog, o sa hilaga, sa dakong binagsakan ng puno, ay doon ito mahihiga. Hindi maghahasik ang nagmamasid sa hangin, at hindi mag-aani ang sa ulap ay pumapansin.
Kung paanong hindi mo nalalaman kung paanong dumarating ang espiritu sa mga buto sa bahay- bata ng babaing nagdadalang-tao, gayon mo hindi nalalaman ang gawa ng Diyos na lumalang sa lahat. Ihasik mo sa umaga ang iyong binhi, at huwag mong hayaang walang ginagawa ang iyong kamay sa hapon; sapagkat hindi mo nalalaman kung alin ang tutubo, kung ito o iyon, o kung kapwa magiging mabuti. Ang liwanag ay mainam, at maganda sa mga mata na masdan ang araw.
ECLESIASTES 11:1-7
November 11, 2017
November 11, 2017
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025