Ang Katiyakan ng Pangako ng Diyos

Nang mangako ang Diyos kay Abraham, palibhasa’y walang sinumang higit na dakila na kanyang panunumpaan, siya ay nanumpa sa kanyang sarili, na sinasabi, “Tiyak na pagpapalain at pararamihin kita”. Kaya’t si Abraham, nang makapaghintay na may pagtitiis, ay tumanggap ng pangako. Nanunumpa ang mga tao sa harap ng higit na mataas sa kanila, at ang sumpaang binitiwan bilang katibayan ay nagwawakas ng bawat usapin. Gayundin naman, sa pagnanais ng Diyos na maipakita sa mga tagapagmana ng pangako na hindi maaaring mabago ang kanyang pasiya, pinagtibay niya ito sa pamamagitan ng isang sumpa; upang sa pamamagitan ng dalawang bagay na di-mababago, na dito’y hindi maaaring magsinungaling ang Diyos, tayong nagtungo sa kanlungan ay magkaroon ng higit na katiyakang panghawakan ang pag-asang nakalagay sa harapan natin.

SA MGA HEBREO 6:13-18

Amianan Balita Ngayon