ANG MAPAGPALA ANG MAHABAGIN

Layunin po namin na maunawaan ng hindi pa nakakaunawa sa tunay na dinadala at mensahe ng relihiyon islam , at mawala ng tuloyan ang mga agam-agam sa kabila ng samutsaring paninira at panunuligsa nito ng hindi pa nakakaunawa. Sisikapin po namin na maihatid sa inyo ang mga nilalaman ng kolum na ito na inihanda ni IMAM SAMSODIN MONIB kagaya ng :
– ano ang islam ?
– sino ang muslim?
– sino ang Allah ?
– sino si muhammad ?
– ano ang banal na qour’an

At mga iba pa … ISLAM ay dalisay na pamamaraan at pangkapayapaan Islam, ang relihiyon ng mahigit 1.8 bilyon sa mundo or humigit kumulang ng 2 bilyon , na nagkaloob sa sangkatauhan ng nagkakaisang pananaw tungkol sa layunin ng ating pagkalikha at pag-iral, ang ating huling hantungan at ating lugar kasama ng ibang mga nilikha. Ito ay pamamaraan ng buhay na ganap na umaayon sa kalikasan, ng may katuwiran, lohika at agham. Ang arabik na
salitang ‘Islam’, ay nangangahulugan ng kusang pagsuko sa kalooban ni Allah at pagsunod sa Kanyang mga kautusan , Ang isang taong malaya at tinatanggap niya ng may kabatiran ang Islamikong pamamaraan ng buhay at taospusong isinasabuhay ito ay tinatawag na ‘Muslim’.

Limang Haligi ng Islam Ang pagkilos ng tama at taos-puso sa limang haligi ay babaguhin ang buhay ng
Muslim sa isang umaayon sa kalikasan na kung kaya ay umaayon sa kagustuhan ng Tagapaglikha. Ito ay nagpapasigla na gumawa patungo sa pagtatatag ng katarungan, pagkakapantay at pagkamatuwid sa lipunan, at
pagkalos ng kawalang katarungan, kamalian at kasamaan.

1. SHAHADAH (Pagsaksi)
Ang una sa limang pangunahing pundasyon, ay ang paghahayag, na nauunawaan at kusang-loob, ang: La ilaha illallah wa Muhammadar rasulullah. “Walang ibang diyos maliban kay Allah, at si Muhammad ay Sugo ni Allah”. Ang paghahayag na ito ay ang batayan ng lahat ng mga gawa sa Islam, at ang ibang pangunahing tungkulin ay susundan ang pagpapatotoo na ito.

2. SALAH (Tungkuling Pagdarasal)
Ay inaalay ng limang beses sa isang araw. Ito ay praktikal na pagpapakita ng pananampalataya, at pinananatili ang
mananampalataya sa ugnayan nila sa kanilang Tagapaglikha. Ang Salah ay pinag-iibayo sa isang mananampalataya ang kalidad ng disiplina sa sarili, katatagan at pagsunod sa Katotohanan, na magdadala sa isa na maging mapagtiis,
matapat at makatotohanan sa mga ugnayan sa kanilang buhay.

3. ZAKAH (Kawanggawa)
Ay isang sapilitang bayarin mula sa taunang ipon ng isang Muslim. Ito ay maaari lamang na gugulin sa pagtulong sa mahihirap, nangangailangan, naaapi, at para sa pangkalahatang pagpapaunlad ng lipunan. Ang Zakah ay isa sa pangunahing prinsipyo ng Islamikong ekonomiya, na tumitiyak ng patas na lipunan na kung saan ang lahat ay may
karapatang mag-ambag at magbahagi.

4. SAWM (Pag-aayuno)
Ito ay taunang tungkulin na pag-aayuno sa mga araw ng buwan ng Ramadan – ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong Islamiko. Ang bawat isa ay dapat na umiwas sa pagkain, pag-inom, paninigarilyo, at pakikipagtalik,
simula sa madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw. Ang Sawm ay pinagiibayo ang pamantayan ng moralidad at espiritwal ng isang mananampalataya at inilalayo sila mula sa pagkamakasarili, kasakiman, pagmamalabis at iba
pang mga bisyo. Ang Sawm ay taunang programa ng pagsasanay na nagpapalakas ng pagpupunyagi ng isang Muslim para tuparin ang kanilang tungkulin sa Makapangyarihang Panginoon.

5. HAJJ (Pagbisita)
Ay isang taunang kaganapan, tungkulin sa mga Muslim na may kakayahan na gawin ito, kahit isang beses sa
kanyang buhay. Ito ay paglalakbay [pagbisita] sa “Bahay ni Allah” [Al-Ka’bah] sa Makkah, Saudi Arabia, sa ikalabing dalawang buwan ng kalendaryong Islamiko. Ang Hajj ay sumisimbolo ng pagkakaisa ng sangkatauhan; ang mga Muslim mula sa ibatibang lahi at bansa ay nagtitipon sa pagkakapantaypantay at kapatiran para sumamba sa kanilang Panginoon. Imam – samsodin maba monib

BAGUIO BENGUET MUSLIM ASSOCIATION/ SINAR

Amianan Balita Ngayon