ANG PAG PIGIL SA SARILING EMOSYON

Ang emosyon ( damdamin) ay sumisiklab sa dalawang kadahilanan : maaring sa kaligayahan o sa panloob ng kirot , sa isang salaysay ni propita muhammad s.a.w. ” katotohanan ako ay pinagbawalan na magpalabas ng dalawang hangal at masamang tunog , ang isa ay inilalabas kung may kasiya siyang bagay na naganap , at ang isa ay ipinapahayag kung ang kalamidad ay humampas ” Sinabi sa banal na qur’an ; “; upang kayo ay hindi mahapis sa mga bagay na nabigo ninyong kamtin , gayundin naman , ay huwag maging mapagmataas sa mga biyayang ipinagkaloob sa inyo ” qur’an 57 : 23 Sa ganitong dahilan , ang propita muhammad s.a.w. ay nagsabi ;

Katotohanan , ang tunay na pagtitiyaga ay yaong ipinakikita sa panahon ng unang pagkagimbal ” Samakatuwid , kung ang isa ay nagpapanatili ng kanyang mga emisyon , kapwa sa kaligayahan at sa makalamidad na pangyayari , siya ay mas higit na makapagtatamo ng kapayapaan at kapanatagan , ng kaligayahan at ginhawa , at ng isa ng tagumpay sa kanyang sarili , si ALLAH ay naglarawan sa tao sa pagiging magalakin at mapagyabang , mainisin , hindi pagiging kuntinto kung ang kasamaan ay sumaling sa kanya . Sa mga hindi kasama rito ,

Si allah ay nagbinigay alam sa atin na sila ay nananatiling matimtiman sa kanilang pagdalangin , aila ay nasa
gitnang landas sa panahon ng kaligayahan at kalungkotan , sila ay mapagpasalamat sa panahon ng kaginhawahan at
mapagtiyaga sa panahon ng kahirapan . Ang hindi mapigil na emosyon ay makapagpapahina ng malaki sa isang tao , na magdudulot ng kirot at pagkawala ng tulog kung ang gayong tao ay nagalit , siya ay sumisiklab kaagad na
nagbabanta sa iba , na nawawala ang kanyang pagtitimpi at lumalagpas sa lahat ng hangganan ng katarungan at
balanse , samantala kung siya ay magiging masaya , siya ay nasa kalagayan ng simbuyo at pagwawala .

Sa kanyang kalasingan sa kaligayahan , siya ay nakakalimot sa sarili at lumalagpas sa mga hangganan ng pagiging payak . Kung kanyang talikdan at pakawalang ang pakikisama sa iba , kanyang hinahamak sila , na kinalilimutan ang kanilang kahalagahan habang binubura ang kanilang mabubuting katangian , sa isang banda kung siya ay nagmamahal sa iba , kung gayon , siya ay hindi nagtitira ng anomang kirot , sa pagbibigay sa kanila ng lahat ng uri ng pagluwalhati at pagpaparangal , na naglalarawan sa kanila bilang mga rurok ng pagkaperpekto .

Ipinaliwanag ni propita muhammad s.a.w. na mismo kanyang sarili ang kanyang tinutukoy “At hinihiling ko sa inyo ( O ALLAH ) na gawin akong makatarongan , na magkatulad , kapag ako ay nasa kalagayan ng pagkagalit at habang nasa kalagayan ng katuwaan ” Ang pagiging makatarungan ay isang layunin na kinakailangan kapwa sa ating
pag-uugali at sa mga bagay ng pambatas , sa katotohanan , ang islam ay itinatag sa katotohanan at katarungan – ang
pagkamakatotohanan sa lahat ng ating natutuhan sa mga ipinahayag na teksto , at katarongan sa mga pagtatagubilin , mga salita , mga gawa , at mga pag-uugali.

Amianan Balita Ngayon