Ano ba ang nasa likod ng sapilitang pagsuot ng “face shield”?

Editorial

Naging malaking usapin at tampulan ng debate ang pagsusuot ng “face shield” sa ibabaw ng pagsusuot ng face mask. Lalo pa itong uminit nang gawing “mandatory” o sapilitan ang pagsusuot nito na umani ng samo’t-saring reaksiyon mula sa mga tao.

Ginawang sapilitan ang pagsusuot ng face shield sa bansa noong Disyembre 2020 na kalauna’y iminungkahi na alisin na ang sapilitan at gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot nito.

Nitong nakaraang mga linggo ay ipinahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring sa mga ospital na lamang dapat magsuot ng face shield subalit kamakailan lamang ay idineklara niya ang pagpapanatili ng sapilitang pagsusuot nito sa loob o labas man.

Ibinase daw niya ang desisiyon dahil sa patuloy na pagdami ngmga kaso ng COVID-19 sa bansa at banta ng mas mabagsik at mas mabilis makahawa na DeltaVariant (Indian Variant) ng virus namay ilang kumpirmadong kaso na sa Pilipinas.

Dahil sa tila pagpupumilit ng mga awtoridad sa kalusugan at IATF na panatilihin ang pagsusuot ng face shield na ito ang iminungkahi sa Pangulo at sa mga ulat na may mga opisyal na nakikinabang at pinagsasamantalahan ang “sapilitang pagsusuot” ng face shields ay humingi si Senate President Vicente Sotto III ng isang imbestigasyon at pagdinig sa Senado upangmapatunayan kung ang face shield aymabisa nga na pangontra laban sa COVID-19.

Wala marahil problema sa mga mayayaman at may-kaya ang utos na sapilitang pagsusuot ng face shield dahil barya lamang sa kanila ang PhP50 o higit pa na halaga nito na kaya pa rin nilang bumili kahit mas mahal.

Subalit para sa mga mahihirap na lubhang mas naapektuhan ng matagal nang pandemya ay dagdag gastos ito na ang halagang PhP50 ay napakalaking bagay na sa kanila.

Maliban sa halaga ay nagdudulot daw ng pagkabalisa, at ang pagsusuot ng face shield sa ibabaw ng face mask ay maaaring mahirapan huminga angmgamaymedical na kondisyon gaya ng alta-presyon, sakit sa puso, o asthma. Sagabal pa rin daw ang face shield sa pagtratrabaho at sa mga nagmamaneho na maaaring maging sanhi ng disgrasya at hindi lubos na resulta ng trabaho.

May pahayag ang US Centers for Disease Control and Prevention na ang “face shields ay hindi ganun kaapektibo na proteksiyunan ka o ang mga tao sa palibot mo mula sa respiratory droplets at ang face shield ay isang alternatibo lamang para samga tao na hindi pinapayuhang magsuot ng face mask.

Nagbabala pa ang USCDCP, na ang pagsusuot ng facemask “aymaaaring palalain ang isang pisikal omental na kondisyon ng kalusugan, na maging sanhi ng medical emergency, o magkaroon ng matinding pangamba sa kaligtasan.” Iginigiit ngmga awtoridad sa kalusugan at IATF ang pagsusuot ng face shield sa ibabaw ng face mask dahil karagdagang proteksiyon daw ito.

Sa kawalan ng tiyak na resulta ng siyentipikong pag-aaral kung mabisa nga ang face shields kontra COVID-19 ay lumulutang pa rin ang agam-agam ukol dito at ang hinala ng taumbayan na baka nga may personal na interes ang ilan sa pagpupumilit na gawing “sapilitan” ang pagsusuot ng face shield.

Napakalaking halaga nga naman ang pinag-uusapan dito namaaaring umabot sa bilyong piso ang kalakalan. Mula ng pumutok ang pandemya saCOVID-19 ay nabalot na ngmga kontrobersiya ang pamamalakad ng gobyerno dito. Mula sa ayuda na kinukupit, face masks na pinagkaperahan,mga gamot na ipinupuslit at ngayon naman ang face shield namuling pagkakakitaan (kung totoo nga) ng ilang malapit sa administrasyon.

Lahat ng pagsasamantalang ito na idinadahilan ang pandemya ay pahirap sa sambayanang Pilipino lalo na sa mga karaniwang mamamayan na walang magawa kundi ang sumunod na lamang sa kumpas ng mga makapangyarihan.

Kapansin-pansin na sa tuwing patapos na ang panunungkulan ng isang administrasyon ay lumalabas naman angmga hinala ng korapsiyon at paglikomng pera – ito kaya ay pondo para sa eleksiyon o pabaon sa paglisan sa puwesto? Nawa ay hindi ito totoo at kungmay katotohanan naman ay –mahiya naman kayo na nagsasamantala.