Pagpapalawig ng panahon para sa mga newsstand hiniling

LUNGSOD NG BAGUIO – Sa isang resolusyon ay hiniling ng Sangguniang Panlungsod ng Baguio sa Office of the City Mayor na palawigin ang kasunduan sa pagitan ng Permits and Licensing Division at ng mga newsstand vendors, at may-ari ng watch repair stand, at iba pa.
Idinulog ang bagay na ito ni Peter Puzon, isang concerned citizen sa atensiyon ng Sangguniang Panlungsod noong nakaraang Lunes na
ipinagbibigay-alamna ang 6 na buwan na extension period ay magtatapos sa Hunyo 30, 2021.
Sa isang public consultation na dinaluhan ng mga journalists, publishers, general managers ng newspaper organizations, at mga vendors/repairmen noong Disyembre 2020 ay nagdesisyon ang pamahalaang lungsod na payagan ang mga puwestong ito na nasa central
business district na magoperate sa kanilang kasalukuyang lokasyon mula Enero hanggang Hunyo 2021 habang tinatapos pa ang mga
plano para sa kanilang relokasyon.
Ang public consultation ay isinakatuparan nina Permits and Licensing Chief Allan Abayao, City Planning and Dev’t Coordinator Donna Tabangin, Executive Assistant V Philip Puzon, Councilors Mylen Victoria Yaranon at Philian Weygan-Allan, Atty. Jordan Tumayan ng City Legal Office, Arch.Homer Soriano ng City Buildings and Architecture Office, at POSD Deputy Head Daryll Longid.
Bilang napagksunduan, ang mga vendor at repairmen ay ililikas sa loob ng mga establisimiyento na papayag na tanggapin sila o sa mga
espasyo na tutukuyin at ipapanukala ng pamahalaang lungsod matapos magsagawa ng isang survey.
Sa mga lugar kung saan ang mga puwesto ay maaaring ilipat, isang .6-meter setback mula sa sidewalk ang dapat sundin upang hindi maharangan ng mga customer ang sidewalk at magkaroon ng maayos na daloy ng mg mga pedestrian.
Binigyan-diin ng mga opisyal ng city hall na ang hakbang na ilipat ang mga nasabing puwesto ay umusbong sa isang direktiba na inisyu ng pambansang gobyerno sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government Memorandum Circular No. 2019-121 na nilagdaan ni DILG Secretary Eduardo Año noong Hulyo 9, 2020.
Ang MC ay inuutusan ang lahat ng local government units na ipatupad ang mga operasyon na magtatanggal sa mga konstruksiyon at iligal na mga istruktura mula sa public roads.
Sinabi ni Atty. Jordan Tumayan of the City Legal Office na ang pambansang kautusan ay kasama ang pagsasagawa ng clearing operations sa mga eskinita, kalsada, at sidewalks.
Inaatasan din ng MC ang mga lokal na sanggunian na muling tingnan ang mga ordinansa upang masiguro ang pagsunod sa direktiba ng Presidente at matiyak ang pagkaka-ayon sa mga kaugnay na batas/polisiya.
Sa executive-legislative meeting nitong nakaraang Lunes ay iprinisinta ni City Planning and Development Coordinator Donna Tabangin ang ibang alternatibong lugar ng relokasyon ng newsstands.
Sinabi niya na ang mga puwestong ito aymagiging bahagi ng structural design ng mga waiting sheds sa lungsod.
(JGH-SP/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon