BAGUIO CITY
Itinigil na ng city government ang planong parking building sa open filed ng Manuel L. Quezon Elementary School, matapos ang pagtutol at protesta sa isinagawang public consultation noong Abril 17. Sa konsultasyon, iprinesenta ng City Environment and Parks Management Office head Atty. Rhenan Diwas ang plano para sa multi-level parking building sa mahigit 81 katao na dumalo mula sa iba’t-ibang barangay na karamihan ay mga guro at magulang ng mga mag-aaral ng Manuel L. Quezon elementary school. Binigyang diin ni Diwas na ang proyekto iay layuning bawasan ang carbon emission sa lungsod at maibsan ang problema sa trapiko.
Ngunit, ang ideya ng pagtatayo nitong nasabing proyekto sa open field ng paaralan ay hindi sumang ayon ang karamihan sa mga magulang at guro na dumalo. Sa konsultasyon ay nagpahayag sila ng kanilang saloobin at pagtutol sa planong pagpapatayo ng parking building sa lugar na ito dahil matagal nang ginagamit ito bilang playground, training grounds, at evacuation area ng mga mag-aaral. Sa gitna ng mainit na pagpapalitan ng mga saloobin at impormasyon, ay sinabi naman ni Mayor Benjamin Magalong na “This is a proposal and the reason why
we came here today is to discuss it with you intelligently and objectively.”
Bago matapos ang konsultasyon, ay nagpasya si Magalong na hindi na itutuloy ang plano sa pagtatayo ng parking building sa lugar na ito. Sa kabila ng pagkansela sa nasabing proyekto, magpapatuloy pa rin ang pampublikong konsultasyon para sa iba pang mga lugar na pinag-aaralan para sa pagtatayo ng mga parking building. Ito ay bahagi ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na makinig at magbigay halaga sa opinyon ng mga mamamayan upang
mapangalagaan ang kanilang kapakanan sa mga proyektong pang-imprastraktura.
Raymond Macatiag/UB-Intern
April 20, 2024
April 20, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024