Ano ba talaga ang plano sa Kennon Road?

Apr 22, 2017

Mismong araw ng Huwebes Santo, Abril 13, 2017, ay isa na namang aksidente sa Kennon Road ang nangyari. Isang pampasaherong van ang nahulugan ng malalaking tipak ng bato mula sa guho na sanhi ng biglaang pag-ulan ng malakas. Labing-apat na sakay nito ang nasaktan at isa ang minalas na namatay na napitpit sa bandang unahan ng sasakyan.
Kapansin-pansin dito na sa panahaon pa ng tag-araw nangyari ang pagguho at nagkataon pang daraan ang van na ito at siya pa ang natabunan. Matatawag nga natin itong disgrasya sa maling pagkakataon – wala nga namang pinipiling panahon ang sakuna at disgrasya.
Ang nasawi ay isang estudyante na puno ng pangarap at sa isang iglap ay bigla itong naglaho na laking hinanakit at pagdaramdam ng mga magulang. Ilan na nga ba ang naging biktima ng mga aksidente at pagguho ng lupa at bato sa Kennon Road mula pa noong ginawa ito? Mayroon bang dapat sisihin sa bawat aksidente at pagguhong nagaganap?
Napakamakasaysayan ang Kennon Road at isa itong popular na “landmark” sa Pilipinas dahil sa kakaibang anyo nito subalit isa naman sa pinakamapanganib na daan. Ilang daang milyon o baka bilyong piso na ba ang ginastos upang maisaayos ang liko-likong daang ito? Paunti-unti ang ginagawang pagsasa-ayos dito at ang pinagtutuunan ay ang konkretong lansangan lamang. Paano ang mga napakahabang talampas na dinaraanan ng 41.2 kilometrong hi-way? Bakit hindi ito nabibigyan ng pansin ng mga ahensiyang kinauukulan? Sino ba ang dapat tumingin ng mga kalagayan ng mga lupa o mga bato-batong bundok na ito? Hindi ba’t mas mainam na kapag inayos ang daan ay tingnan na rin ang kondisyon ng mga talampas at gilid ng bundok na tinatahak ng Kennon Road?
Totoong maraming ahensiya ang sumasakop dito at sa DPWH ay kani-kaniyang distrito at rehiyon ang sakop nila, gayundin marahil ang DENR (dahil hindi na sakop ng DPWH ang mga bundok?) Ang mga aksidente ng mga sasakyan sa lansangan ay maaari nating matukoy kung sino ang may kasalanan subalit kung ang pagguho ng mga lupa at bato ay kanino kaya natin maibabaling ang sisi?
Ang Kennon Road ang pinakamaikli at pinakamadaling ruta maliban pa sa marami pa rin ang may gustong dumaan dito patungo sa Manila at pabalik. Ang planong ididikit ito sa Tarlac-La Union-Pangasinan Expressway (TPLEx) ay maganda kung ang kabuuang pag-rehabilitate dito kasama ang mga talampas, bundok ay isaalang-alang, marahil maiiwasan din ang magiging biktima ng mga aksidente at sakuna.
Huwag na sanang madagdagan pa ang mga naging biktima at kung ang pagkaudlot sa rehabilitasyon ng Kennon Road ay ang mga oposisyon ng mga residente doon at ilang sumasakay sa isyu ay kinakailangan na dito ang matinding “political will”. Pmcjr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest