Anti-IP ang task force mining – CPA

Metro BLISTT

Inihayag ng isang grupo ng indigenous peoples na isang paniniil sa mga katutubo ang binuo kamakailan na National Task Force Mining Challenge (NTFMC) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para tumugis sa illegal mining activities sa bansa.

Sinabi ng Cordillera Peoples Alliance, na nangungunang bumabatikos sa malalaki at commercial na minahan sa rehiyon, na tinutuligsa nila ang pagbuo sa NTFMC at ang pagkilos ni DENR Secretary Roy Cimatu na baguhin ito upang maging bagong bureau ng ahensya na magpapatupad sa environmental laws sa pakikipagtulungan ng military at police personnel, National Bureau of Investigation, at government prosecutors.

Ang NTFMC, na binubuo ng DENR, Philippine Army at ng Criminal Investigation and Detection Group, ay nagsimula na sa kanilang crackdown sa small-scale mining sa lungsod sa pamamagitan ng pagpapasabog sa limang small-scale mining (SSM) operations noong Pebrero 13.

“The NTFMC is an additional testament of the current regime’s earnestness in devising mechanisms to intensify the oppression of indigenous peoples,” ani Bestang Dekdeken, secretary general ng CPA. “Instead of teaming up with environmentalists to protect our environment and communities from destruction due to large scale mining and extractive operations, it is mobilizing State security forces, through the line agency, to wreak havoc in communities of small scale mining operations.”

Giit ni Dekdeken, magreresulta ito sa pagkawala ng kabuhayan ng mahigit 100,000 small-scale miners at kanilang pamilya.

Paniwala ng CPA na ang pag-target sa small scale mining ay nagpapataas lamang ng opurtunidad sa malalaking kompanya ng minahan upang sakupin ang mga ancestral domains at palawigin ang kanilang mapanirang operasyon upang i-monopolize ang mining industry.  Nagpapakita ito na ang kasalukuyang administrasyon ay desididong ibigay ang kapritso ng malalaking negosyante na walang habas na nananamantala sa ancestral lands ng mga katutubo, ani Dekdeken.

“NTFMC (essentially) is another mechanism to reinforce the US-Duterte regime’s tyrannical rule and impunity, a regime that mobilizes a task force to apprehend ‘illegal’ operations while in itself is a peddler of the same thing on a macro level,” pahayag pa ng grupo.  AALEGRE / ABN