Anti-Road Obstruction, wala bang kuwenta?

Balitaktakan sa Amianan Opinion

Ano na ang nangyayari sa Anti-Road Obstruction (ARO)? Tila puspusan naman ang ginagawang pagbabaklas ng mga pulis ng mga plaka e bakit parang walang nangyayari? Andiyan pa rin ang kaliwa’t-kanan na nakaparadang sasakyan hindi lamang sa central business district kundi pati na sa mga kalye sa mga barangay. Sino kaya ang nagkukulang dito at dapat sisihin, ang kapulisan o ang mga opisyal ng barangay, o baka naman ang mismong may-ari ng mga sasakyan na sobrang titigas ng ulo. Ano kaya kung huwag na lang baklasin ang mga plaka dahil kayang-kaya yatang bayaran ng mga may-ari, pabalik-balik lang, hilahin na lang ang mga sasakyan at i-impound na lamang nang tuluyan at taasan ng sobra-sobra ang multa yung hindi na kayang bayaran, dahil baka akala nila eh pera-pera lamang kaya pinapairal ang kanilang pera.