ANYARE?

UNA sa lahat, isang paumanhin ang dapat lang maipaabot sa lahat. Napilitang ulitin – parang repeat performance – ang kolum ng nakaraang lingo, dahil sa pinalawig ang non-working holidays dahil sa Semanta Santa. Gayun pa man, bigyang daan natin ang ilang mga pagninilay bilang mga
obserbasyon sa nagdaang lima at kalahating araw na bakasyon. Una, tila higit na binigyang halaga ng nakararami ang walang trabahong mga araw na nagsimula noong hapon ng Myerkoles Santo hanggang sa Lunes na na-deklarang Araw ng Kagitingan.

Naging masayahin ang paglipas ng bakasyon. Nakalulunos na sa halip na maging mataimtim ang mga araw, sa halip na sa simbahan pagnilayan ang Semana Santang nagdaan, ay nagmistulang karnabal ang lunsod. Dinagsa ng mga tagaBaguio ang lunsod, gayung naninirahan at naghahanapbuhay ang karamihan sa kanila. Ang bisita Iglesia naging bisita sa mga lugar na pampasaya, pampagalak. Tila dumaan sa kabilang tenga ang panawagan n gating Ama ng Lungsod na gawing maka-espiritwal ang Semana Santa, ilaan ang mga araw sa dalangin at pagsamba,
makiisa sa pagdurusa at paghihirap ng Hesukristo, at maging huwaran ang Baguio bilang Holy Week Capital ng buong kapuluan.

Haay! Anyare Baguio? Tulad na lang nitong nagdaang lingo, ginulantang tayo ng katotohanang hindi pa lubusang nasupil si Covid-19. Bago pa ang Semana Santa, paisa-isa ang bilang ng mga
nahawa sa nakamamatay na sakit na halos tatlong taon ay nanalasa at humagupit sa buong bansa, kasama na rin ang Baguio na ating sinisinta. Sa isang iglap, umakyat sa higit na pa-isa-isa ang mga kaso ng hawaan. Basahin muli, mula sa 3 nitong Abril 9, bumaba sa 2 sa susunod na araw, at nitong
Myerkoles lamang, lumundag sa 21! Kahapon, a-13 ng Abril, bumaba sa 5!

Nakakabigla ang pagbulusok sa loob ng isang araw ang mga kasong dulot ni Covid-19. Dalawampo at isang mga kaso ang gumulantang sa atin! Dalawampo at isang tinamaan ng bagsik ng pandemyang akala natin ay laylay na sa paghinga, hikahos na sa aagap-agap na buhay, at bilang na ang mga sandal ng inaasahang paghimlay. Oo nga at nitong mga huling buwan, simula ng Oktubre ng nakaraang taon ay nakitaan na ng pagkapagod si Covid-19. Pangilan-ngilan ang mga kasong tuloy-tuloy na dumadusdos sa bilang.

Katapusan na ni Covid-19, lalo at nitong mga nakaraang mga lingo simula pa ng Pebrero ay bilang na lamang ng mga dailiri ang naitatala sa listahan ng hawaan. Kaya naman, kailangang pag-aralan muli ang kakaibang pag-uugali ni Covid-19. Hindi kaya ang biglaang pag-alsa sa loob lamang ng isang araw, ang pagtatala ng 21 na mga bagong kaso ay dulot na rin ng pagwawalang-bahala ng mga
tinamaan ng hawaan? Kung sabagay, kung sa covid-19, na tatlong taon ng nanalasa sa Baguio, ay hindi natinag ang ating liderato, siguradong si Mayor ngayon ay pinag-iisipan ang mga pamamaraan ng pagsupil ke Covid-19.

Huwag na nating ipagkait ang anumang magagawa. Ang unang mababahala sa mga kasong tuloy-tuloy pa rin sa pag-usbong ay nasa atin pa ring mga kamay. Walang imposble kung ang pananaw ng
lahat ay napaka-posible. Ngayon ang panahon ng bayanihan, ang muling maipamalas na sa mga
pagkakataong humahamon, na tayo mismo ang dapat na manguna sa ating patuloy na pag-ahon. Nasa atin ang pagbabalikat sa ating pagbangon. Titindig tayong matatag ang loob, at may lakas sa pagnanasang lampasan ang ganitong mga mga pagsubok. AngatTayoBaguio, dyan tayo may progreso!

Amianan Balita Ngayon