BAGUIO CITY, Jan. 6 (PIA) – Apat na katao mula sa ibat-ibang lalawigan ng Cordillera ang naiulat na naputukan ng mga ibat-ibang uri ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon ng 2021.
Ngaunit inihayag ng Department of Health ng Cordillera na naging matiwasay at mapayapa naman ang ibang lalawigan sa pagdiriwang ng Bagong Taon na kung saan ay sumunod sa patakaran na walang paputok sa pagsalubong ng taon.
Sa naganap na Kapihan media forum sinabi ng tanggapan ng DOH – CAR Regional Epidemiology Surveillance Unit Head na si Geeny Anne Austria na base aniya sa fireworks -related injury mula Disyembre 21 hanggang sa pagsalubong ng bagong Taong 2021 ay bumana umanong ng 18 kaso na ibig sabihin ay halos 83 na porsiyento ang ibinaba kaysa noong taon na may 22 na kaso.
Sa nasabing ulat ng DOH-CAR ang mga may kaso ng firework related injury ay sa lalawigan ng Abra, Ifugao, Apayao at Mountain Province na may tigiisang kaso ng mga naputkan na mga biktima na may edad mula 12 pataas na sanhi ng “boga”, kwitis , at piccolo.
Samanata sa lalawigan ng Benguet, Kalinga Baguio City at Tabuk City ay walang naiulat na naging biktima ng paputok.
Ayon naman kay P. Lieutenant Colonel Marcial Fa –ed representative mula sa PRO-Cordillera ay sumunod din aniya ang mga miyembro ng kapulisan sa buong region dahil wala umanong nagpaputok sa mga ito sa pagsalubong ng Bagong Taon wala rin umanong nailat na mga sunog sa buong rehiyon lalo sa lungsod ng Baguio at la Trinidad na kinokosidera na populated community, ayon kay Mark Athony Dangatan, ngBureau of Fire Protection Operations Division.
“With 2020 a challenging year with the Coronavirus Diseases, we should maintain a healthy lifestyle and continue to protect ourselves by strictly adhering to the minimun health standards and safety protocols against Covid-19 “, ayon sa pagpapaalala ni DOH – CAR Regional Director Dr. Ruby Constantino sa mga mamayan ng buong rehiyon ng Cordillera.
“As we patiently wait for the success of the vaccine trials in our country and as we face 2021, let us be hopeful for a healthier year and remain vigilant to observe the minimum health standards as we practice, Apat Dapat ngayong Bagong Taon: Una – umiwas sa kulob na lugar; Pangalawa – Dapat may isang merong distansya; Pangatlo – gumamit ng face mask at face shield; at Pang – apat iklian ang interaksyon sa ibang tao”, paliwanag ni Constantino.
JDP/CCD-PIA CAR
January 9, 2021
January 9, 2021
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024