Aplikasyon sa ‘Minahang Bayan’, padadaliin

Feb 24, 2018

LA TRINIDAD, BENGUET – Mas madali na para sa mga small-scale miners ng probinsiya ang aplikasyon nila sa “Minahang Bayan” o People’s Small-Scale Mining Area dahil magiging maluwag ang Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa Cordillera.
Sa isang panayam ay sinabi ni MGB Regional Director Fay Apil na magkakaroon ng revised procedure sa pagrehistro para sa ‘Minahang Bayan’ upang maging mas madali para sa mga small-scale miners.
“To be honest, wala pa talagang Minahang Bayan na na-approve sa Benguet and the whole Cordillera,” ani Apil.
Sa kasalukuyang proseso ay sinabi ni Apil na isa sa pahirap sa mga small-scale miners ay ang pagkuha ng “consent of the indigenous people and large mining companies”.
Ang kagayang requirement ay nakasaad sa Republic Act 7076 o ang People’s Small-Scale Minig Act of 1991 na tinatawag ding Minahang Bayan Law na kung saan sinasabi dito na ang operasyon ng small-scale mining ay dapat gawin sa loob ng idineklarang lugar.
Ito ay maliban sa Indigenous Peoples Rights Act of 1997 (IPRA Law), kung saan nakasaad na may karapatan ang Indigenous Cultural Communities o Indigenous Peoples (ICCs/IPs) sa Free and Prior Informed Consent (FPIC) bago magsagawa ng anumang aktibidad sa loob ng kanilang ancestral domain.
Inamin ni Apil na ang mga aplikante sa Minahang Bayan sa Benguet ay nahihirapan sa pagkuha ng FPIC.
Dagdag pa rito ay ang kahirapan ng pagkuha ng consent ng mga may-ari o concessionaires ng mga lugar na may mineral claims, mining agreements for exploration, mineral production sharing agreement (MPSA), at financial technical assistance agreements (FTAA).Sinabi ni Apil na ang tinaguriang “pocket miners” ay umaasa na sa oras na maging legal ang kanilang aktibidad ay mapapaganda ang buhay ng kanilang pamilya at makakapag-aral ang kanilang mga anak.
Una rito ay sinabi ni Lumino Kaniteng, president ng Benguet Small-Scale Miners Federation (BSSMF) na may 20 aplikante para sa Minahang Bayan sa Benguet, at 11 o 12 sa bayan ng Itogon. Ang lahat ng aplikasyon ay nakabinbin pa rin sa opisina ng MGB-Cordillera, ani Kaniteng.
Ipinaliwanag ng BSSMF na sa Itogon ay 56 porsiyento ng lupa ay na-classify na forest land, 41 porsiyento ay mineral land, karamihan ay nasa operasyon ng Philex Mines at Benguet Corporation. Ang natitirang 3 porsiyento ay agricultural land.
Ang Minahang Bayan ay nasa 41 porsiyento ng idineklarang mineral land, dagdag ni Kaniteng.
Binigyang-diin ni Kaniteng na ang mga small-scale miners sa probinsiya ay bukas na gawing legal ang kanilang operasyon, at hiniling sa gobyerno sa pamamagitan ng MGB na bilisan ang proseso ng mga aplikasyon ng kanilang mga miyembro.
Nagkaroon ang Itogon ng isang-buwang konsultasyon, sentro dito ang ipagbigay-alam sa mga pocket miners at mga residente ang ukol sa Minahang Bayan, ang tax administration programs ng gobyerno at ang Comprehensive Land Use Plan na tutukoy sa posibleng mga lugar para sa Minahang Bayan. PNA / ABN

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest