LUNGSOD NG BAGUIO – Hihilingin sa mga barangay na i-audit ang kanilang mga kalsada kung saan pinayagan ang dito ang magparada bilang basehan para sa balidasyon kung ang mga nasabing kalsada ay puwedeng maging paradahan o nagiging sanhi lamang ng sagabal sa trapiko.
Inatasan ni Mayor Benjamin Magalong ang City Engineering Office Traffic Transport Management Division sa ilalim ni Engr. Richard Lardizabal na suriin ang mga barangay roads na sakop ng barangay parking ordinances na inaprubahan ng konseho ng lungsod upang malaman kung pupwede ang mga ito bilang parking zones.
Sinabi ng mayor na ipagpapatuloy ng lungsod na payagan ang pagtatalaga sa mga angkop na kalsada para sa paradahan partikular ang mga sakop ng mga ordinansa sa barangay ito kung hindi magreresulta na magiging sagabal sa daloy ng trapiko.
“Either one-way or two-way road, we will not stop the implementation of the parking ordinances as long as it will not obstruct the traffic flow on said roads,” ani mayor. Isang nakagawian na ititigil ay ang pagtatalaga sa mga parking spaces sa mga partikular na tao dahil ang mga residente ay dapat mabigyan ng pantay na pagkakataon sa mga nasabing espasyo ng paradahan.
Sumang-ayon si City Accountant Antonio Tabin na dapat ang lungsod ang siyang magrerekomenda kung aling mga kalsada ang angkop para sa paradahan base sa mga sukat ng mga kalsada.
APR-PIO/PMCJr.-ABN
November 18, 2019
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025