Babae pinaslang sa sariling kama

LUNGSOD NG BAGUIO – Isang 55 anyos na byuda ang binaril habang natutulog sa sarili nitong kama dakong 3:05 ng madaling araw noong Setyembre 24 sa Purok 27, Irisan, Baguio City.
Sa ulat ng mga pulis ay nakilala ang biktima na si Jacqueline Lutong Gayadan, 55anyos, tubong Cervantes, Ilocos Sur, byuda, at residente ng Purok 27, San Carlos Heights, Baguio City.
Napag-alaman sa imbestigasyon na ang biktima ay dumating sa tahanan nito dakong ika-6 ng gabi ng Setyembre 23.
Batay sa panayam sa manugang ng biktima na si Jovy Baguil, dakong 3am ng Setyembre 24 ay nakarinig ito ng ilang putok ng baril at nang kanyang tinignan kung ano ang nagyari ay nadiskubre nito ang biyenan na tumatagas ang dugo mula sa ulo nito.
Ang crime scene ay sinisiyasat ng SOCO team sa pangunguna ni PCI Angeline Amangan habang ang tauhan ng Station 9 ay hinalughog ang lugar para sa posibleng pagkadakip ng suspek ngunit nabigo ang mga ito.

Amianan Balita Ngayon